by Info @Editorial | Dec. 4, 2024
Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko kaugnay sa panibagong online scam na ginagamit na naman ang pangalan ng ahensya.
Kaugnay ito ng kumakalat na online link na nagsasabing makatatanggap ng Christmas gift na nagkakahalagang P7,000 mula sa DSWD ang sinumang sasagot sa isang survey questionnaire.
Kaya huwag basta magbigay ng personal na impormasyon, lalo na sa mga online surveys o kahalintulad na mga alok. Iwasan ang mga link na hindi pamilyar o hindi katiwa-tiwala.
Kung ikaw ay makakatanggap ng ganitong alok, magtanong sa mga eksperto o mga kilalang kumpanya kung sila ba ay nag-aalok ng ganitong klase ng promo.
Kung ang alok ay masyadong maganda para maging totoo, malamang ay scam ito.
Ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan, sadyang may mga hindi tapat na tao na nagsasamantala.
Lumalaganap ang mga scam na nagdudulot ng matinding pinsala sa mga biktima. Ito ay isang seryosong isyu na kailangang pagtuunan ng pansin.
Mahalaga na ang bawat isa sa atin ay magpakita ng pagiging mas mapanuri at maingat.
Comments