top of page
Search
BULGAR

SC ibinasura ang election protest ni Marcos vs VP Robredo

ni Lolet Abania | February 17, 2021




Dinismis na ng Supreme Court (SC), tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ngayong Martes, ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Bise-Presidente Leni Robredo sa naging resulta noong 2016 na halalan.


Ayon kay SC Spokesperson Brian Hosaka, nagkakaisa ang naging desisyon ng korte na ibasura ang naturang protesta kung saan halos umabot ng limang taon matapos na i-file ito ni Marcos noong June 29, 2016.


Sinabi ni Hosaka na sa 15 justices na dumalo sa meeting, pitong magistrates ang “fully concurred” sa dismissal habang ang natitira naman ay “concurred” ang kanilang boto.


Ang lumabas na desisyon ay nakatakdang i-upload sa website ng high court. Gayunman, hindi masabi ni Hosaka kung ang naging desisyon ay maaari pang iapela.


“I cannot answer the question because I only have the information which I read,” ani Hosaka sa isang news conference ngayong Martes.


Ayon sa election lawyer ni Robredo na si Romulo Macalintal, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng desisyon subalit magsasagawa ang kanilang kampo ng press conference kapag hawak na nila ito.


“Hindi pa kami nakakatanggap ng desisyon, nakinig lamang kami sa presscon. Ngayon lang kami magkakausap mula nu’ng magkaroon ng pandemya tungkol sa bagay na ito,” ani Macalintal.


Sinabi naman ng abogadong si Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos, wala pa rin sila natatanggap na kopya ng desisyon.


"The information that we have are primarily sourced from our media friends and not from any official notice or information emanating from the Presidential Electoral Tribunal," ayon sa emailed statement ni Rodriguez.


"We shall issue our statement on the matter as soon as we have established the facts based on official document or pronouncement coming from the PET," dagdag ni Rodriguez.


Sa pahayag ng Palasyo, nirerespeto nila ang desisyon ng Supreme Court subalit maaari pa umanong mag-file ng appeal si Marcos.


“‘Yan ay desisyon ng Kataas-taasang Hukuman. We respect that,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press conference sa Davao City.


“We respect also that the camp of (former) senator Bongbong Marcos has a further remedy of moving for reconsideration,” dagdag ni Roque.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page