top of page
Search
BULGAR

SC at CA, walang pasok sa Hunyo 29-30 para sa inagurasyon ni Marcos

ni Lolet Abania | June 27, 2022



Nagdeklara ang Supreme Court (SC) ngayong Lunes ng suspensyon sa kanilang trabaho mula Miyerkules, Hunyo 29 hanggang Huwebes, Hunyo 30, sa gitna ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Sa isang memorandum order, inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo na sinuspinde niya ang kanilang mga opisina sa mga nasabing araw dahil na rin sa road closure at traffic plan na inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng security measures para sa inagurasyon ni Marcos.


“Whereby all roads leading to the Supreme Court are affected, thereby making it inconvenient for everyone to report for work, in consultation with the Supreme Court En Banc, a work suspension is hereby declared on June 29-30,” batay sa nakasaad sa order.


Gayundin, ang Court of Appeals ay nagdeklara ng work suspension sa CA Manila Station mula Hunyo 29 hanggang 30.


“In view of the traffic advisory in the City of Manila in relation to the Presidential inauguration… and in consultation with the Honorable Chief Justice of the Republic of the Philippines… work is hereby suspended in the Manila Station,” ayon sa CA.


Nagsimula na ring ipatupad ang pagsasara ng maraming mga kalsada sa Maynila nitong Linggo ng gabi. Nakatakdang manumpa ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa National Museum of the Philippines.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page