top of page
Search
BULGAR

SC Associate Justice Chico-Nazario, pumanaw na

ni Lolet Abania | February 18, 2022



Pumanaw na si retired Supreme Court Associate Justice Minita Chico-Nazario, ayon sa High Court ngayong Biyernes.


“The Supreme Court and the entire Judiciary join the loved ones of the late Hon. Justice Minita V. Chico-Nazario in mourning her death," batay sa statement.


“We offer our sincere and deep condolences and prayers. Justice Nazario will always be remembered as one of those who broke barriers in the history of the Philippine Judiciary,” dagdag pang pahayag.


Si Nazario ang unang babae na naging Presiding Justice ng Pilipinas sa anti-graft court. Siya rin ang unang Sandiganbayan Presiding Justice na na-promote para sa top tribunal ng bansa.


Bilang Sandiganbayan Presiding Justice, nilagdaan ni Nazario ang isang health insurance contract para matiyak na mayroong mga hospitalization benefits ang mga empleyado ng korte.


Nilagdaan din ni Nazario ang katulad na contract na may health maintenance organization para makatulong sa pangangailangang pangkalusugan ng mga Supreme Court Justices, opisyal, at empleyado nang siya ay makapasok dito. Matapos ang kanyang retirement, nagsilbi si Nazario bilang Dean ng College of Law ng University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City.


Bago pa magsilbi sa judiciary, si Nazario ay isang social secretary ng noo’y si Justice Secretary Juan Liwag mula 1962 hanggang 1963.


Nagsilbi rin siya bilang clerk sa City Fiscal’s Office sa Manila at Special Deputy Clerk of Court sa Court of First Instance sa Pasay. Isang tubong San Miguel, Bulacan, si Justice Nazario ay nagtapos ng law school sa University of the Philippines (UP) noong 1962.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page