top of page
Search
BULGAR

Sayang na ani dahil sa hindi maayos na logistics

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | January 21, 2024


Hindi na bago sa atin ang usapin ng pagkakasayang ng mga ani, lalo na ng mga gulay at prutas.


Madalas sa social media ay nakikita natin ang paghingi ng saklolo ng mga magsasaka na napipilitang itambak ang tone-toneladang mga ani nila sa tabi ng kalsada.


☻☻☻


Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nasa 30 percent ng agricultural produce ng bansa ay nasasayang dahil sa hindi maayos na logistics system.


Inamin ni Tiu Laurel na walang accurate data para sa farm losses, ngunit base ang kanyang estimate sa kanyang karanasan bilang may-ari ng cold chain logistics company. 


Dagdag pa niya, nasa 12.7 to 15 percent ng rice production o 450,000 tons kada taon ang nawawala dahil sa kakulangan ng post-harvest facility.


☻☻☻


Upang maiwasan ang crop wastage, kinakailangan ng pamahalaan na mag-invest nang malaki sa mga post-production facilities gaya ng cold storage facilities, warehouse, transport services, mills, atbp.


Sa tulong ng mga ito ay masisiguro na mas malaki ang produksyon at mas stable ang presyo ng bilihin.


Sa gitna ng hamon ng tagtuyot na haharapin ng bansa ngayong taon, kinakailangang gawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang mabawasan ang pagsasayang ng mga ani.


Umaasa tayong magtagumpay ang Department of Agriculture sa layunin nitong magkaroon ng maayos na post-harvest facilities sa buong bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page