top of page
Search

Sayang lang daw ang oras… LOLIT, AYAW MAKIPAG-USAP SA MGA BOPOLS NA NETIZENS

BULGAR

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 3, 2021





Natatawa na lang si Lolit Solis sa mga bashers niya na nagsabing humina na raw ang radar niya dahil hindi raw niya natunugan ang pagkakaroon ng anak ng McLisse.


“Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagkaanak ng baby girl pero hindi ko nalaman. 'Kalokah, 'di bah?


“'Pag ibinalita mo, sasabihin, pakialamera at tsismosa ka. 'Pag hindi mo isinulat, mahina kang klase ng reporter,” saad ni 'Nay Lolit.


Kaya nga sey ng veteran writer/talent manager, talagang hindi raw dapat seryosohin ang mga comments.


“Kaya nga ayoko nang take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag-knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila.


Totoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, doon ka lang makipag-usap sa mataas ang mental level para dagdag-talino pa,” aniya.


Sa huli ay binati niya ang McLisse sa pagiging matapang ng mga ito na aminin na may anak na sila at pinuri ang dalawa sa pagkuhang ninong kay Direk Laurenti Dyogi.


“Gusto kong batiin sina Elisse Joson at McCoy de Leon, dahil buong-tapang nilang inamin ang tunay nilang estado. Kinuha nilang ninong ng baby girl nila si Direk Lauren Dyogi dahil gusto nilang manahin ng baby ang wisdom ni Direk Lauren Dyogi. Bongga. 'Yan dapat ang pipili ng ninong at ninang, 'yung may manahing maganda 'yung baby n'yo. Congrats again.”

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page