ni Imee Marcos - @Buking | July 8, 2020
Mas tumindi pa ang dami ng mga tinatamaan ng COVID-19 at nakakatakot talaga. Mas nakakapangamba ngayon ay ang kaligtasan ng mga manggagawa na struggle to the max sa pagpasok sa trabaho dahil sa limitadong pampublikong transportasyon. ‘Kalokah!
Nakakaloka rin ‘yung pahayag ng World Health Organization o WHO na ang Pilipinas daw ang may pinakamabilis na paglobo ng mga tinatamaan ng Coronavirus Disease 2019 sa Western Pacific! Que Horror!
Kaya naman mga besh, mega-push ako at naghain ako ng Senate Bill 1448 o Telecommuting Act na nagbibigay-probisyon para magkaroon ng flexible work arrangement ang mga employer sa kanilang mga empleyado.
Sa ilalim niyan ay papayagan ang isang empleyado na magtrabaho sa mga alternatibong lugar tulad ng work-from-home gamit ang telecommunication o computer technology.
Eh kasi, puwede namang gawin ng isang empleyado ang kanyang trabaho sa kanilang bahay at kung kailangan sa trabaho ng pisikal na presensiya ng isang empleyado sa opisina, dapat papasukin ng employer ang kanilang mga tauhan kapag office hours at tuwing weekdays pero hindi lalampas ng dalawang beses sa isang linggo.
Well, ganyan na talaga mga besh, tanggapin na natin ang katotohanan na malabo na tayong makabalik pa sa normal, new normal na talaga ang iiral!
Ibig sabihin lang, magpapatuloy na ang mga safety protocols ng new normal na may social distancing, bagong hygiene standard at may limitadong physical contact.
Gora na sa work-from-home dahil malaking bagay ito sa mga manggagawa, aminin man sa hindi, may advantage talaga ‘yan bukod sa safe sa COVID-19, menos gastos pa sa pamasahe at pagkain and mga frennie most of all, nagkakaroon pa ng mas maraming time ang mga magulang sa kanilang mga anak kahit pasingit-singit lang divah! Bongga!
Comentarios