top of page
Search
BULGAR

Say ng ex-Finance Usec., pinaka-corrupt daw sa kasaysayan ng ‘Pinas ang ipinasang national budget next year

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 19, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SA KASAYSAYAN NG ‘PINAS, PINAKA-CORRUPT DAW ANG IPINASANG NATIONAL BUDGET NEXT YEAR DAHIL ZERO SUBSIDY ANG PHILHEALTH, PINALOBO NAMAN ANG BUDGET NG DPWH -- Sinabi ni dating Finance Undersecretary Cielo Magno na pinaka-corrupt daw sa kasaysayan ng Pilipinas ang naipasang panukalang budget na P6.352 trillion next year kasi raw ginawang zero subsidy ang PhilHealth, tapos pinalobo nang pagkalaki-laki ang budget ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH).


May punto si former Usec. Magno sa sinabi niyang ito kasi kung anong tanggapan ng pamahalaan ang laging nasasangkot sa ‘corruption’ tulad ng DPWH, ay ‘yun pa ang nilagyan ng pagkalaki-laking pondo ng majority senators and congressmen, period!


XXX


SA MARCOS ADMIN, PATULOY ANG PAMAMAYAGPAG NG MGA PORK BARREL POLITICIAN -- Ang proposed budget ng DPWH para sa year 2025 ay P900 billion, at ito ay inaprub agad ng Senado at Kamara.


Ito na ang siste, matapos ang bicameral conference ng majority senators and congressmen, ang P900B budget ng DPWH ay biglang lumaki, naging P1.1 trillion, “siningitan” ito ng P200B.


Kapag ang proposed budget ng isang ahensya ay siningitan ng dagdag na budget, ang tawag sa isiningit na ‘yan ay “pork barrel,” na ibig sabihin sa Marcos administration, patuloy ang pamamayagpag ng mga pork barrel politicians, buset!


XXX


DULOT NG BANGAYANG MARCOS AT DUTERTE, PAREHONG BAGSAK ANG RATING NINA PBBM AT VP SARA -- Sa latest survey na inilabas at isinapubliko ng Publicus Asia ay parehong bumagsak ang rating nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at Vice Pres. Sara Duterte-Carpio. 


Mula sa dating 43% approval rating ni PBBM, bumaba ito sa 33% at sa dati niyang 32% trust rating, bumama rin ito sa 23%, samantalang sa dating 43% approval rating ni VP Sara, bumaba ito sa 37%, at sa kanya namang dating 33% trust rating, bumaba ito sa 31%.


Iyan ang dulot ng bangayan ng dating magkakamping PBBM at VP Sara, na dahil sa away-pulitika nila, parehong bagsak ang kanilang rating, boom! 


XXX


KAHIT MAGPA-PASKO NA, TULOY ANG ATAKE NG QUADCOMM KAY VP SARA -- Nitong nakalipas na Dec. 17, 2024 o isang linggo bago sumapit ang Pasko ay inatake na naman ng mga anti-Duterte politician si VP Sara, na ayon sa mga member ng Quad Committee ng Kamara ay dapat daw humarap ito sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa sinabi ng bise presidente na may inutusan daw siyang pumatay kina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Talagang ayaw lubayan ng Quad Comm members si VP Sara, kahit na malapit nang mag-Pasko, tuloy ang atake nila sa bise presidente, tsk!


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page