ni Lolet Abania | June 20, 2022
Isang eroplano ng Saudia Airlines mula sa Riyadh, Saudi Arabia, ang sumadsad ang mga gulong sa madamong bahagi ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Lunes ng hapon.
Batay sa ulat, ang Boeing 777-368 aircraft na may flight number SV862 ay lumapag sa Manila bandang alas-1:47 ng hapon habang en route ito sa NAIA Terminal 1 nang maganap ang insidente.
Ayon sa report, ang mga gulong ng eroplano ay napapihit na lagpas sa sementadong bahagi ng taxiway, habang sumadsad ito sa maputik na bahagi ng landing field.
Ligtas at walang pasahero na nasaktan sa insidente, subalit agad silang pinababa mula sa eroplano at in-evacuate sa taxiway.
Wala namang naantalang mga flights sa airport. Agad ding nagtungo ang mga airport officials sa site upang inspeksiyunin ang eroplano habang isinayos naman ito ng airport maintenance.
Comments