top of page
Search
BULGAR

Sasakay sa motorcycle taxi, dapat may sariling helmet

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 18, 2020




Inanunsiyo ni Interior Secretary Eduardo Año nitong Linggo na required ang mga motorcycle taxis na maglagay ng barrier sa kanilang sasakyan kapag maaari nang magbalik-pasada ang mga ito upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Hinikayat din ni Año ang mga commuters na gumamit ng sariling helmet.


Aniya, “Sa motorcycle taxi ay talagang requirement ‘yung barrier kasi hindi 'yan magkakakilala, eh. “At saka 'yung paggamit ng helmet, ini-encourage natin 'yung mga commuters, sana meron kayong sariling helmet para hindi kayo manghihiram.”


Kailangan ding i-disinfect ng mga motorcycle taxi drivers ang mga helmet na ipahihiram nila sa kanilang pasahero. Malaking tulong din aniya sa mga commuters ang pagbabalik-operasyon ng mga motorcycle taxis.


Saad ni Año, “The motorcycle taxi plus the appropriate barrier naman ay additional 'yan. Napakalaking tulong niyan sa ating mga commuters.”


Samantala, pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) na payagan na ang operasyon ng mga motorcycle taxis.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page