top of page
Search
  • BULGAR

Sarap na sarap daw… BARBIE, NANLILIGAW PA LANG SI JAK, INI-IMAGINE NA ANG FIRST KISS NILA

ni Nitz Miralles @Bida  | July 19, 2024



Showbiz News

Nakakaaliw ang pinaka-latest na pagge-guest ni Barbie Forteza sa It’s Showtime  na as usual, puno ng katatawanan, kasiyahan at may kantahan pa. Kumanta si Barbie ng Meron Ba? kaya lang, hindi nito natapos ang kanta dahil na-gong siya ni Ryan Bang.


Ang ibig sabihin, pinatitigil na siyang kumanta at kung contestant siya, out na siya sa competition dahil nawala sa tono o pumiyok.


Hindi lang sa segment na ‘yun inaliw ni Barbie ang madlang people, natuwa rin ang audience nang ikuwento ni Barbie ang first kiss nila ng boyfriend niyang si Jak Roberto.


Dating pa lang sila noon ni Jat at inihatid yata siya sa bahay nila after ng kanilang date.

“Aksidente ang first kiss namin, bebeso lang dapat ako. Nakatingin s’ya sa likod at paatras ang car, paglingon n’ya, nagbanggan lang ang labi namin, nabigla kami pareho, natawa si Jak at nag-sorry, kinabahan s’ya. Hindi kasi ako nagpapa-kiss hanggan’t ‘di pa kami. Ang tanong namin sa isa’t isa, ‘Tayo na ba?’” kuwento ni Barbie.


Sa tanong ni Vice Ganda kung ano ang pakiramdam sa kanyang first kiss?

Sagot niya, “Ang sarap sa pakiramdam. Sa ligawan pa lang, ‘yun ang ini-imagine mo.”   


Kaya uli nag-guest si Barbie sa noontime show para mag-promote ng Pulang Araw na may world premiere sa July 29. Inaabangan na ito ng viewers pati ng mga non-Kapuso fans.


 

Kambal nina Aga at Charlene…

ATASHA AT ANDRES, NAKA-TRICYCLE LANG 'PAG NAMAMALENGKE


Atasha at Andres

BETWEEN Andres and Atasha Muhlach, mas at ease si Atasha sa pagsagot sa mga tanong ng press sa mediacon ng first family show nilang Da Pers Family.  Malaking tulong rito ang pagiging host ni Atasha ng Eat Bulaga, ilang taping days pa siguro at ilan pang showbiz exposure, masasanay rin at magiging kampante na si Andres.


“Never ko talagang naisip na may gagawin ako’ng ganito. Then one day the offer came, it’s exciting, fun, why not,” sagot ni Andres sa tanong kung ano ang feeling niya to be working with his family.


Short ang sagot ni Atasha with the same question, “This is a great opportunity doing a sitcom with your parents.”


Sa July 21, 7:15 PM, sa TV5 ang premiere ng Da Pers Family sa direction ni Danni Caparas, ang favorite director ni Aga. Bibida rin sina Roderick Paulate, Bayani Agbayani, at Ces Quesada. Kasama rin sina Chad Kinis, Heart Ryan, Kedebon Colim, Sam Coloso at iba pa.


Nakakatuwa pala ang mga nabasa naming comment na nu’ng bata pa sina Andres at Atasha, sumasakay sila sa tricycle. Ang mali lang sa kuwento, sumasakay daw ng trike ang kambal going to school, bagay na ni-refute ng ilang mga fans.


Paano raw sasakay ng trike going to school sina Andres at Atasha kung sa Brent at British School sila pumapasok. Mas tama raw sabihin na sumasakay ng trike ang magkapatid, pero mga bata pa sila noon at kapag nasa resthouse nila sa Batangas. Isinasama raw sila ng kasambahay nilang mamalengke.


 

MAY teaser na an balik-guesting ni Phillip  Salvador sa Black Rider, at bilang si

Mariano, tutulungan niya si Elias (Ruru Madrid) sa malaking laban nito sa pinagsanib na puwersa nina Roi Vinzon at Jon Lucas.


Sa interview kay Phillip sa taping, nagpahayag ito ng pasasalamat na muling nakasama si Ruru na una niyang nakilala nang maging mentor siya nito when Ruru was 14 years old. Sabi ni Phillip, kahit sobrang payat pa ni Ruru that time, alam na niyang magiging action star ang aktor na nangyari nga.


May payo si Phillip kay Ruru, “Always be humble, ilapat mo lagi ang mga paa mo sa lupa at hindi ka magkakamali.”

Anyway, sa finale week ng Black Rider, babalik din ang karakter ni Katrina Halili na tutulong din kay Elias na labanan ang masasama. Hindi rin inakala ni Katrina na makababalik pa siya sa action series dahil ang karakter niya ay nasa Amerika na.


 

BUKAS na raw, July 20, ang lipad ni direktor Cathy Garcia-Sampana sa Canada para sa shooting ng Hello, Love Again (HLA) ang movie na muling pagtatambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Hindi lang malinaw kung kasabay na ni direk Cathy na lilipad pa-Canada ang mga bida ng collab movie ng Star Cinema at GMA Pictures.


Ang shooting sa Canada nina Kathryn at Alden ang hinihintay ng KathDen fans dahil sigurado raw na maraming ayuda mula sa KathDen. Matagal nang hindi spotted  ang dalawa, may mga nagtatanong na nga kung okay ba sila.


Kung hindi man sumabay sina Alden at Kathryn umalis sa kanilang director, basta this July na ang kanilang lipad pa-Canada at hanggang August sila roon. Sa  November 13, 2024 naman ang showing ng HLA na ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page