ni Lolet Abania @News | January 29, 2023
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Sarangani ngayong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Alas-12:23 ng hapon, naitala ang tectonic na lindol na ang epicenter ay matatagpuan sa layong 05.65°N, 125.29°E - 021 km S 28° E ng munisipalidad ng Glan.
Habang may lalim itong 27 km. Naramdaman ang Intensity III sa Jose Abad Santos, at Sarangani, Davao Occidental; Glan, Sarangani; General Santos City. Intensity II ang naitala sa Don Marcelino, at Malita, Davao Occidental; Alabel, Kiamba, ar Malapatan, Sarangani; Polomolok, South Cotabato.
Ayon pa sa ahensiya, wala namang inaasahang pinsala matapos ang pagyanig subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks. Unang nai-report ng PHIVOLCS ang lindol na magnitude 4.7, subalit in-update rin ng ahensiya ang kanilang bulletin na naitalang magnitude 5.
Comments