ni Jasmin Joy Evangelista | February 12, 2022
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Kiamba, Sarangani kagabi, February 11, ayon sa PHIVOLCS.
Ang naturang paglindol ay ibinaba mula sa 5.3 magnitude, ayon sa ahensiya.
Ito ay naganap bandang 10:25 p.m. na may lalim na 24 kilometers at tectonic in origin.
Nakapagtala ito ng Intensity IV sa bayan ng Kiamba at Maitum sa Sarangani.
Naitala naman ang Intensity III sa General Santos City; Zamboanga City; Cotabato City; Maasim, Sarangani; Norala, Tupi at Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang pinsala matapos ang pagyanig, subalit posibleng magkaroon ng aftershocks.
Comments