ni Lolet Abania | December 16, 2020
Niyanig ng 6.1-magnitude na lindol ang Alabel, Sarangani ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman ang paggalaw ng lupa bandang alas-7:22 ng umaga ngayong Miyerkules.
Matatagpuan ang epicenter ng lindol sa layong 06.12°N, 125.39°E - 011 km N 79° E ng Alabel. Ang pagyanig ay may lalim na 54 kilometer at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, asahan ang mga susunod na aftershocks matapos ang lindol.
Wala namang nasaktan sa naganap na pagyanig. Patuloy na pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa lahat ng oras.
Comments