ni Lolet Abania | December 5, 2021
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng baybayin ng Sarangani Island, Davao Occidental ngayong Linggo ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol bandang alas-7:47 ng umaga ngayong Linggo.
Ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 04.06°N, 128.15°E - 336 km S 62° east ng Sarangani Island sa Davao Occidental.
Sa ulat ng PHIVOLCS, ang lindol ay may lalim na 173 km habang tectonic in origin.
Naitala ang Intensity II na naramdaman sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental, at sa Cateel, Davao Oriental.
Sinabi pa ng ahensiya, wala namang pinsala na inaasahan subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks.
Comments