ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 15, 2023

Nahirapan umano sa pagkanta ng Himala si Sarah Geronimo sa collab concert nila ni Bamboo sa Cebu kamakailan.
Ang Himala ay ang sikat na awitin ni Bamboo.
Matatandaang na-postpone ang isa sa mga concert tour ng dalawa dahil din umano sa lagay ng kalusugan ni Sarah.
Naipaliwanag naman ito ng misis ni Matteo Guidicelli kasama na ang umano'y kakulangan sa preparasyon lalo na sa kanyang boses.
Sa video na ibinahagi ng Sunstar Cebu, makikitang tila kinakapos sa boses si Sarah sa umpisa ng kanta. Maging ang audience ay nakikanta kahit kapansin-pansing nahihirapan ang singer-actress.
Napansin ni Bamboo na tila kinakapos ang boses ni Sarah kaya umakyat na siya sa stage at sinabayan sa pagkanta ang Pop Princess.
Nang makabuwelo, ipinagpatuloy pa rin ni Sarah ang pag-awit pero nakaalalay pa rin sa kanya si Bamboo.
Comments