top of page
Search
BULGAR

SARAH, 'DI TOTOONG PROBLEMADO SA RELASYON KAY MATTEO KAYA NAGPAGUPIT

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 05, 2021



Nilinaw ng kampo ni Sarah Geronimo na hindi totoo ang tsika na kaya siya nagpagupit ng buhok ay dahil may pinagdaraanan sila ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.


‘Yun kasi ang madalas gawin ng mga babaeng broken-hearted, pinagdidiskitahan ang kanilang buhok bilang pagrerebelde.


Sariling desisyon ni Sarah na baguhin ang kanyang hairstyle na matagal na panahon na naging trademark niya.


Marami naman ang nagkagusto at nag-like sa kanyang “new look” at transformation.


Maging ang kanyang hubby na si Matteo ay nagandahan sa pixie haircut ni Sarah. Mature na siyang tingnan ngayon.


Mismong ang hairstylist ni Sarah na si Celeste Tuviera ang nagsabi na kasa-kasama si Matteo sa parlor habang nagpapagupit ang kanyang lovely wife at napaka-sweet pa nila sa isa’t isa kaya hindi totoo na may problema sila sa kanilang married life.


Maging ang mga loyal Popsters ni Sarah ay tuwang-tuwa nang makita ang bagong hairdo ng kanilang idolo. Lumutang daw ang natural na ganda ni Mrs. Sarah Guidicelli.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page