top of page
Search
BULGAR

Sara, 'pag na-impeach, tatakbo 'kong vice president — Digong

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 21, 2023





Sinabi ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na mapipilitan siyang tumakbo bilang Vice President o senador kung ma-impeach ang anak niyang si VP Sara Duterte.


Sumagot si Rodrigo sa umano’y usapan ng impeachment na plano ng ilang miyembro ng House of Representatives laban sa Vice President, na binigyang diin na lalabas siya sa kanyang pagreretiro para bumalik sa pulitika kung sakaling mangyari ito.


“Mapipilitan akong lumabas sa retirement eh. When I begin to talk…election is just around the corner, talagang magka-babuyan tayo. I do not lose anything, I’m retired. Pero pagdating niyan na buhay pa ‘ko, ‘pag wala pa akong dementia, tatakbo akong…vice president… Kung si Inday ang presidente, okay lang,” sabi niya sa isang interbyu ng SMNI kagabi.


Nagpahayag naman ng suporta si Sara Duterte sa anumang plano sa pulitika ng kanyang ama.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page