ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 24, 2025
Photo: LIto Lapid - FB
Sa mga videos and photos na ipinadala sa amin ng mga supporters ni Sen. Lito Lapid, walang dudang malakas pa rin ang senador na nagsi-seek ng reelection.
Wala ring duda na nang dahil sa Batang Quiapo (BQ) kaya laging isinisigaw ng mga tao ang name na “Supremo” sa mga sorties niya sa mga probinsiya.
Pagpapatunay na malakas talaga ang hatak ng action series ni Coco Martin na personal ding ineendorso si Sen. Lapid.
Kaya naman, naintriga kami sa ilang kuwento na ‘yung ibang artistang pulitiko raw na nakakasabay ni Lapid sa mga motorcade at pagpunta sa mga palengke at ilang lugar na maraming ‘common tao’ ay umiwas o hindi sumasabay sa aktor-pulitiko dahil hindi sila natatawag na “Supremo” o sa mga names nila.
‘Kaloka! Hahaha!
BUKOD sa parehong taga-Australia sina Josh Blackman at Chloe San Jose, kapwa rin sila nakilala sa Pilipinas dahil sa mga partners nila.
Si Josh ang betterhalf ni Jeraldine ng Blackman family (with Jette and Nimu) na under contract ng GMA-7 Sparkle Artist Center dahil sa kasikatan nila sa socmed (social media).
At siyempre pa, nakilala ng marami ang iskandalosang si Chloe dahil kay Olympian Caloy Yulo.
Para sa mga fans ng Blackman family, nanghihinayang sila sa magandang content, impression at influence nito sa mga Pinoy. Nakapanghihinayang daw na kung alin pa ang positive at nagbibigay-kasiyahan ay siya pang naghihiwalay.
Samantalang si Chloe daw ay kapit-tuko kay Caloy at ito pa ang may ganang
magyabang, magmalaki at maging maangas sa socmed na ang resulta nga ay hate, negativity at bad influence.
VINDICATED si Direk Antoinette Jadaone at ang Project 8 Projects nila ni Direk Dan Villegas dahil sa katatapos lang na 75th Berlinale International Film Festival (BIFF) sa Berlin, Germany ay nakamit nila ang Best Feature Film award.
Sa movie entry nilang Sunshine, nanalo sila ng Crystal Bear of the Generation-14 plus Youth Jury Best Film. Ito ‘yung pinagbibidahan ni Maris Racal, kasama sina Elijah Canlas, Jennica Garcia at Annika Co.
Ang naturang BIFF ang isa sa pinakakinikilala at inirerespetong film festival sa buong mundo.
Matatandaang halos hindi nagpa-interview sina Direk Dan at asawang si Antoinette matapos ang tila heartbreaking loss o pag-isnab sa kanila last MMFF sa Uninvited, pero dahil sa panalong ito, daig pa nila ang nakaiskor ng perfect 10 sa global film making honors.
And yes, tila mukhang bongga rin ang good karma sa kanila dahil ang naturang MMFF entry nila last year ay rumarampa sa mga award-giving bodies unlike sa mga nanalo at nabigyan ng award last MMFF.
Congratulations!
Comments