top of page
Search
BULGAR

Sapatos ni Jordan, nabili sa $2.2-M, ex-NBA cousins, lalaro sa Guaynabo

ni MC @Sports | April 14, 2023




Nabenta sa mahigit 2.2 Million Dollars o katumbas ng P121,271,700.00 na sneakers ni NBA Superstar Michael Jordan sa ginanap na auction sa Amerika.


Ang sapatos ay isang “Bread’ Air Jordan 13s na isinuot ni Jordan sa Game 2 ng 1998 NBA Finals, kung saan nasungkit nito ang kanyang pang-anim at panghuling Championship ring.


Nahigitan na ni Jordan ang kanyang record na $1.5M sa naibenta rin nitong sariling pares ng sapatos noong September 2021 sa ginanap na auction. Itinago ng auction house ang pagkakakilanlan ng mapalad na nakabili sa mga sapatos ngunit ayon sa management, may autograph si Michael Jordan sa mga ito.


Noong nakaraang taon ay naibenta rin sa auction ang kanyang NBA Jersey sa halagang $10.1Million, o katumbas ng P556, 636, 250.00.


Samantala, ang dating NBA All-Star center na si DeMarcus Cousins ay lumahok sa Guaynabo Mets ng propesyonal na liga ng basketball ng Puerto Rico kahapon.


Sinabi ng Guaynabo Mets sa isang pahayag na ang 32-taong-gulang na free agent na si Cousins “ay mayroon pa rin kung ano ang kinakailangan upang maglaro sa NBA,” ngunit dinadala ang kanyang mga talento sa basketball-crazy na Puerto Rico.” Hindi kaagad available ang mga detalye sa kontrata.


“Si DeMarcus ay isa sa mga pinakamahusay na manlalaro ng basketball sa kanyang henerasyon, at mula sa pananaw ng talento, siya ang magiging isa sa pinakamahusay na makalaro,” sa Puerto Rican league, sabi ng co-owner ng Mets na si Marc Grossman. “Ang kanyang kakayahang mag-shoot at palawakin ang pag-drayb ay dapat na isang mahusay na katangian.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page