ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 18, 2025
Aa of Sunday evening, malapit nang mag-10K ang comments sa post ni Kris Aquino sa Instagram giving her followers an update sa mga nangyayari sa kanya.
Napansin namin na hindi na lang nag-o-offer ng prayers sa paggaling ni Kris ang mga comments. May nutritionist na naglatag ng ideal diet sa gaya niyang may autoimmune disease. May mga suggestions for Kris to consult a rehab doctor. May nag-suggest pa for her to consult a carnivore doctor at mag-try ng carnivore diet.
Nagbabayanihan ang mga nagmamahal kay Kris na mahanap ang lunas para siya ay gumaling. Hindi na lang mga doctor ni Kris ang naghahanap ng gamot na magpapagaling sa kanya at ang pakiusap lang, ‘wag siyang maggi-give-up.
Samantala, napansin naming in-edit ni Kris ang kanyang post at sa edited post, may binanggit siyang dalawang bata na mahal niya.
Sabi ni Kris, “I edited because there are 2 children whom I LOVE; they will remain in my heart. BIMB is my source of strength, while M and M made me smile, laugh, and value life’s simple pleasures.
“I know because of this post I won’t see the 2 of you grow up - please remember mama Kris fulfilled her promises. Alvin brought your new iPads last night. I did bring you to school. We shared cotton candy, strawberry milk, and milk chocolate.”
TUNGKOL nga sa fun run ang post ni Alden Richards na, “Something Massive drops on March 16.”
Kakaiba lang ang fun run dahil para sa MOWELFUND ito at sa mga taga-film industry.
Nagkaroon ng media launch ang fun run at nabanggit ng Sparkle GMA Artist Center ang
“Alden Richards is stepping up to lead the first-ever “Lights, Camera, Run! (Takbo Para sa Pelikulang Pilipino)’ on May 11. This is presented by @myriadcorp01 and @mowelfund, this run supports Filipino filmmakers and artists.”
Ang Myriad Corporation ay company ni Alden na in fairness, ang dami nang nagawa. Isa lang itong fun run na magaganap sa SM by the Bay sa Mall of Asia. Nakasulat ang 3K, 5K, 10K at 16 kilometers na pagpipilian ng mga sasali sa fun run. Si Alden ay 16K daw ang tatakbuhin at sasamahan siya ng kanyang mga fans.
Para mas masaya, pinayuhan ang mga sasali na tumakbo in their best costume. May paalala pang “Make this run unforgettable!”
Nagbiro si Alden na ang seniors na sasama sa fun run ay kanyang bubuhatin.
May mga sasali sa fun run para lang makakita ng mga artista dahil tiyak na may mga taga-industry na makikitakbo bilang suporta. Kabilang na sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin at Dingdong Dantes na nakakasama minsan ni Alden tumakbo.
MAY teaser video si Miguel Tanfelix na ipinost sa kanyang Instagram (IG) at mapapanood ang mom niyang si Mommy Grace na may plate na inilapag sa mesa. Maririnig si Mommy Grace sa favorite expression niyang “Okay na ‘to.”
Sa sobrang sarap ng food sa plate, sauce na lang ang natira.
May cameo si Miguel at ang GF na si Ysabel Ortega sa teaser na si Miguel din ang nagdirek.
Nang tanungin si Mommy Grace kung teaser para sa kanyang cooking show ang ginawa nila nina Miguel, “Hmmm” lang ang sagot nito. Sumagot din itong “Abangan!” sa mga nag-congratulate sa kanya ngayon pa lang.
Kapag may cooking show na nga si Mommy Grace, marami siyang sponsors at ads dahil ngayon pa lang, kahit sa IG at sa TikTok (TT) pa lang siya napapanood na nagluluto, ang dami na niyang in-house ads.
Speaking of Miguel, sa sobrang busy nito, hindi na makapunta sa barber shop para magpagupit. Kaya sa taping na ng Mga Batang Riles (MBR) siya pinuntahan ng barbero para magpatabas.
Maiksi na naman ang hair ni Miguel na kailangan sa role niyang si Kidlat sa MBR. Kaya sorry na lang sa mga fans nito na nagre-request na magpahaba siya ng hair. After ng action series na ninyo makikita si Miguel na mahaba ang buhok.
Kommentare