top of page
Search

Name ng guy, secret pa… SANYA, BUSINESSMAN ANG KA-DATE

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 16, 2025





Masaya si Sanya Lopez na malapit nang matapos ang bahay ng kapatid na si Jak Roberto. Sa interbyu nito, nabanggit na naiyak siya nang mapadaan sa ipinapagawang bahay ng kapatid na malapit lang pala sa bahay niya.


“Naiyak ako dahil dati, pangarap lang namin na magkaroon ng sariling bahay, ngayon, natupad na. First time kong makita ang bahay n’ya, nakaka-proud. He has his own house, I have my own house,” sabi ni Sanya.


Hindi pa yata nakakapasok si Sanya sa bahay ni Jak dahil hindi pa 100% percent tapos at hindi pa yata niya napanood ang vlog ni Jak na may pa-house tour. Ipinakita nito sa mga subscribers niya kung nasaan ang master’s bedroom, ang guest room at iba pang parte ng bahay.


Nakakatuwa ‘yung parte ng vlog na niyukuan ni Jak ang toilet bowl na parang pagpapasalamat. Mamahalin ang toilet bowl at maganda raw ang mga bathroom sa bahay ni Jak. Masaya at malaking selebrasyon ito kapag natapos na ang bahay.


Samantala, ibinalita ni Sanya na nakikipag-date na siya. 

“I’m officially dating, but not yet taken. I’m still single. I’m just enjoying my life,” sabi nito na nakangiti.


Hindi nagbigay ng clue si Sanya kung sino ang idine-date at ang tsika, businessman ito. 

Sa galing ng mga netizens na kilalanin ang idine-date ng aktres, malalaman din kung sino ito. 


Kaya ang paalala nila kay Sanya, be careful sa mga lugar na pupuntahan nila ng ka-date at baka sila ay masundan.


Samantala, sa April 19, 2025 na ang showing ng movie nina Sanya at David Licauco na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM). Sa direction ni Benedict Mique, kinunan ang pelikula sa Vigan at ilan pang parte ng Ilocos Sur. Collab production ito ng GMA Pictures at film company ni Chavit Singson.


 

‘Di lang amoy-amuyin… MAVY, PABORITONG HALIKAN ANG KILIKILI NI ASHLEY





LUMABAS na sa Bahay ni Kuya si Mavy Legaspi sa Friday episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Pero, patuloy siyang mapapanood sa show dahil sila ni Alexa Ilacad ang online hosts.


Sa kanyang It’s Showtime (IS) stories, nai-share ni Mavy ang experience niya sa stay niya sa Bahay ni Kuya nang ilang araw at gabi.


Pahayag niya, “Hello, Outside World! It was an honor being a @PBBABSCBN TV Host-mate for almost a week. It was fun getting to know the housemates and bonding with them. 


“It was also fun washing all the dishes while they were doing their tasks, cleaning the house, you name it just so that I could lessen the burden. If you watched the daily live stream, you would know. Do know your facts before judging. I wasn’t slacking off, that’s for sure.


“But the best thing I got from this experience was talking to Kuya and being a housemate. Hearing all the stories of the housemates and of course having continuous conversations in the Confession Room—talking about the housemates. I am ready to host.”


Bago lumabas sa Bahay ni Kuya, nakipagkuwentuhan muna si Mavy sa mga housemates at saka sinabing lalabas na siya that night. Nagulat at may mga naluha pa nang magpaalam na si Mavy. Yakap sa female housemates at handshake sa male housemates ang paalam ni Mavy.


Yakap at kiss sa noo ang paalam ni Mavy sa girlfriend na si Ashley na sabi nito, mami-miss niya dahil matagal niyang hindi makikita at makakausap. 


Bago magpaalam, nagkatabi muna sa sofa ang magdyowa at habang magkatabi, hinalikan na naman ni Mavy ang kilikili ni Ashley. Obvious na ang kilikili ng GF ang isa sa mga paboritong halikan ni Mavy, mabuti na lang at walang underarm odor ang GF.


 

APO ang turing ni Carla Abellana sa kanyang fur babies at nakakatuwa ang post niya na nakatingin ang fur babies niya sa langaw na nasa loob ng kanyang bahay. 


Ang caption ni Carla sa post: “My apos VS. the langaw,” at talagang seryoso ang mga doggies sa pagbabantay sa langaw na pasalamat at nasa taas ng wall, kaya hindi abot ng mga aso.


Anyway, may isa pang post si Carla na nakaantig sa puso ng mga nakakita. Ito ‘yung post niya ng FAMAS trophy na napanalunan ng lola niyang si Delia Razon. 


Nakasulat sa trophy ang “The 57th FAMAS Lifetime Achievement Award”. Ibinigay ito sa lola ni Carla noong 2009 pa, kaya tama ang caption niyang “prized possession”. Hindi nabanggit ni Carla kung bakit nasa kanya ang trophy o kinunan lang niya sa bahay ng kanyang lola.


Sabi siguro ni Carla, one day, tatanggap din siya ng acting award at hindi malayong mangyari ito dahil mahusay siyang aktres. Nakita ito sa mga ginawa niyang project kabilang ang last series niyang Widows’ War (WW).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page