top of page
Search
BULGAR

Santol, mabisang panlaban sa cancer

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2020




Mahilig ba kayong kumain ng santol o cotton fruit na may scientific name na Sandoricum koetjape? Well, well, well siguradong mas lalo pa kayong kakain nito dahil alam n’yo ba na ang maliit na prutas na ito ay punumpuno ng sustansiya?


Anu-ano nga ba ang health benefits ng santol?


1. Panlaban sa cancer

Ang santol ay sagana sa antioxidant na nakakapag-prevent ng growth ng cancer cells. Sa isinagawang eksperimentasyon, kung saan gumamit ng mga daga na may tumor, napatunayan na ang katas ng santol ay epektibong panlaban dito. Ang tumor ng mga daga ay lumiit at kumaunti rin sa tulong ng katas ng santol.


2. Pampatibay ng ngipin

Katulad ng mansanas, ang pagkain ng santol ay maganda rin sa ating ngipin dahil nakakapag-produce ito ng maraming laway na kinakailangan upang maiwasan ang bad bacteria sa ating bibig.


3. Nakakabawas ng bad cholesterol

Ayon sa HealthBenefitstimes.com, ang santol ay nagtataglay ng soluble fiber na tinatawag na pectins. Katuwang ng good cholesterol (HDL) ng ating katawan, pine-prevent ng pectins na ma-absorb ng ating circulatory system ang mga bad cholesterol (LDL). Kapag maraming LDL sa ating katawan, maaari itong magdulot ng hypertension, stroke at iba pang heart diseases.


4. Pampalakas ng immune system

Ang santol ay may taglay na quercetin, isang uri ng antioxidant na nakakapag-boost ng immune system. Ang antioxidants na taglay ng santol ay nakakapag-prevent ng cell damages at tumutulong din sa healthy growth nito.

Sagana rin sa vitamin C ang santol na nakakapag-boost ng ating stamina.


5. Panlaban sa constipation at diarrhea

Sa tulong ng fiber na taglay ng santol, maaaring ma-normalize ang ating pagbawas o pagdumi.


Now we know kung anu-ano ang health benefits ng pagkain ng santol! Siguradong mahihilig na kayong kumain nito mga ka-BULGAR!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page