ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023
Dadalo sa magaganap na pagpupulong para sa klima ng COP28 na gagawin sa Dubai sa Nobyembre 30 si Pope Francis.
Ito ay matapos niyang magbigay ng babala na nauubos na ang oras upang kumilos sa pandaigdigang pag-init ng klima.
Unang beses na dadalo ang isang Santo Papa sa isang pagpupulong ng COP nang personal.
Pagpapahayag ng Santo Papa, magtatagal siya sa Dubai ng tatlong araw, simula Disyembre 1 hanggang 3.
Matatandaang isa sa mga pangunahing adhikain ng pamamahala ni Pope Francis ay ang kalagayan ng kapaligiran at ng mundo mula nang maitalaga siyang Santo Papa.
Nagkita ang Santo Papa at si Sultan Al Jaber, itinalagang pangulo ng COP28, sa Vatican nung Oktubre 11.
Comments