ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | March 16, 2021
Dear Doc. Shane,
Ano ang dahilan ng pamamaga o pamamanas ng paa ng tao? Gayundin, ano ang dapat gawin upang ito’y mawala? – Girlie
Sagot
Kapag ang fluid ay tumagas o nag-leak mula sa dinadaluyan ng dugo patungo sa mga nakapaligid na tissues, nagkakamanas tayo. Ang pamamanas ay abnormal kaya hindi dapat balewalain. Maaaring ito ay sintomas ng sakit—karaniwan itong sintomas ng sakit sa puso.
Natural na paraan at gamot sa pamamanas ng paa:
Bawasan ang sodium intake
Dagdagan ang potassium intake
Bawasan ang caffeine intake
Uminom ng mas maraming tubig
I-elevate o itaas ang paa sa tuwing nagpapahinga
Magsuot ng maluluwag at komportableng kasuotan pang-ibaba
Panatilihing cool ang pakiramdam o katawan
Magsuot ng high-waist compression socks o stockings
Maglakad-lakad
Magsuot ng komportableng sapatos
Magpamasahe
تعليقات