ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 26, 2020
Dear Doc. Shane,
Ako ay 43 years old, may asawa at anak. Normal lang ba sa ganitong edad ang may vaginal discharge na may amoy? Kung hindi, saan ito nakukuha at ano ang lunas dito? –
Vicky
Sagot
Normal na bahagi ng reproductive system ang pagkakaroon ng vaginal discharge. Ito ang natural na paraan ng katawan upang mailabas ang mga bakterya mula sa loob ng cervix. Tumutulong ito upang mapanatiling malusog ang reproductive organ at maiwasan ang impeksiyon. May mga pagkakataong ang discharge ay nagkakaroon ng hindi kaaya-ayang amoy dahil sa mga pagbabago o hormonal changes.
Iba’ t iba ang dami ng discharge sa bawat babae. May kinalaman din ang dami nito sa kalagayan o pagbabago na nangyayari sa loob ng katawan. Ang paggamit ng birth control o contraceptive pill at pag-inom ng antibiotic ay maaaring magpaiba ng dami, kapal at maging ang amoy ng discharge. Ang pagnipis o pagkatuyo ng paligid ng ari ng babae bilang tanda ng menopause o kilala sa katawagang vaginal atrophy ay isa ring dahilan nito.
Ang mga mabangong sabon at lotion na inaakala nating magbibigay ng kasiguruhan ng pananatili ng bango ay maaari rin maging dahilan ng mabahong amoy sa paglipas ng oras. Mataas din ang alcohol content ng mga ganitong uri ng sabon kaya nakapagdudulot ito ng panunuyo at pangangati sa balat na ilan din sa mga sanhi ng mabahong discharge. Ito ang dahilan kaya ipinapayo ng mga espesyalista ang paggamit ng feminine wash o mga sabon na may sapat na antas ng PH na kailangan ng bahaging ito ng katawan.
May mga pagkakataong ang pagkakaroon ng mabahong discharge ay sanhi ng hindi magandang kalagayan ng kalusugan ng babae. Ilan dito ay ang vaginitis o ang pagkakaroon ng iritasyon o pangangati sa paligid ng ari, impeksiyon pagkatapos ng operasyon o kaya ay pelvic inflammatory disease. May mga pagkakataon naman na ang pagkakaroon ng mabahong discharge ay sanhi ng STD (Sexually Transmitted Disease). Sa ganitong pagkakataon, mahalagang alamin at hanapin hindi lamang ang dahilan kundi lalo na ang gamot sa mabahong ari.
Hello po Doc Shane
Ang step daughter KO pa may mabahong discharge SA vigina niya.
Sya ay 16 pa Lang pero .marami na syang MGA bisyo Gaya Ng pag inum Ng alak sigaliryo marijuana at barkada .and diko Lang tiyak Kung may karanasan a sya SA pakikipagtalik .subrang lakwachera niya .Hindi nPapanatili SA bahay .
Madala sya may laganat at sumasakit ang sikmura at masakit ang ulo at kasabay ang mabahong discharge niya .
Mayroon din syang spot o red dots SA palad niya at SA talampakan.
.
Ano po ba ang sanhi Ng kanyang kalusugan
Maliit pa Lang daw po sya ay may UTI na sya .madalas niyang maranasan ang sintumas Ng kanyang UTI at ang mabahong discharge S…