top of page
Search
BULGAR

Sanhi, lunas at iba pang dapat malaman ‘pag may kuliti

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | November 11, 2020




Dear Doc. Shane,


Sobrang hirap ako kapag namamaga ang aking mata dahil sa kuliti. Saan ba ito nakukuha at ano ang dapat gawin upang ito ay maiwasan? – Jing


Sagot


Ang kuliti ay sakit na hindi gaanong nakakatakot o seryoso. Ngunit ang pagkakaroon nito ay maaaring makaabala sa mga pang-araw-araw na gawain.


Ang kuliti o stye ay namumulang pantal, kahawig ng tagyawat na maaaring tumubo sa labas o sa gilid ng talukap ng mata. May ilang pagkakataong ito ay maaaring tumubo sa mismong loob ng talukap ng mga mata.


Ang talukap ng mata ay napakaraming oil glands, na maaaring matakpan ng dumi sa katagalan. Kung ito ay mabarahan ng dumi, ang mga mikrobyo tulad ng bakterya ay maaaring dumami sa loob nito. Ito ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng kuliti.


Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maaaring gawin:

  • Maghugas ng mga kamay bago humawak sa mga mata

  • Huwag tirisin ang butlig o hayaan lamang ito na kusang matiris

  • Iwasan ang paglalagay at gumamit ng lumang make-up

  • Kung gumagamit ng contact lens, mainam na gumamit muna ng normal na salamin

  • Gumamit ng baby shampoo sa paglinis ng talukap-mata


Tandaan na kung ang kuliti ay mas lalo pang lumalaki at sumasakit, hindi mawala-wala sa loob ng ilang araw, mainam na sumangguni agad sa doktor. Kung minsan, ang kuliti ay kinakailangang tanggalin ng propesyunal. Gayundin, maaari namang magreseta ang doktor ng epektibong anti-biotic para sa kuliti.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page