top of page
Search
BULGAR

Sanhi at lunas sa tonsillitis ng mga bata, alamin!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | July 16, 2020



Dear Doc. Shane,


Palaging sumasakit ang lalamunan ng 7 years old kong anak. Ano ba ang puwede kong gawin upang masolusyunan ito? – Mrs. de Lara


Sagot


Ang pagkakaroon ng tonsillitis ay madali lamang natutukoy sa pamamagitan ng simpleng obserbasyon sa lalamunan. Ang pamumula at pamamaga ng tonsils at minsan ay nagkakaroon ng nana ay indikasyon ng pagkakaroon ng tonsillitis. Tinitignan din ang kulani sa leeg at panga kung nagkakaroon ng pamamaga. Minsan ay nagsasagawa din ng throat swab upang matukoy kung anong bakterya o virus ang sanhi ng impeksiyon.


Ang tonsils ay ang dalawang tupi na matatagpuan sa gilid ng lalamunan na nagsisilbing pansala o filters. Sinasala nito ang hangin na pumapasok sa daluyan at pinipigilan ang pagpasok ng mga bakterya at virus na maaaring magdulot ng impeksiyon sa baga. Subalit may mga pagkakataong ang mismong tonsils ang naiimpeksiyon dahil sa sobrang bakterya at virus. Dahil dito’y nagkakaroon ng pamamaga, pamumula at pananakit sa lalamunan. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na tonsillitis.


Solusyon:


Pamumugin ang pasyente ng warm saline o 1 kutsarang asin na inilagay sa warm water. Gawin ito nang tatlong beses kada araw, pero kung nilalagnat siya dahil sa namamagang tonsils, makabubuti kung ipakokonsulta na siya sa doktor nang sa gayun ay maresetahan siya ng antibiotic kung kinakailangan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page