top of page
Search
BULGAR

Sanhi at lunas sa dry eye

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | October 29, 2020




Dear Doc. Shane,


Ano ang sanhi ng madalas na pagluha ng aking mga mata? May kinalaman ba ito sa matagal na paggamit ng gadget? – James


Sagot


Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kinalaman ang emosyon sa ating pagluha. Kadalasan, bunsod ito ng pananakit o pagkairita sa mga mata na parang puwing at nawawala rin kapag dumaloy na ang luha.


Isang dahilan ng ganitong kondisyon ang pagkatuyo ng mga mata o dry eye. Karaniwang nangyayari ito, kung hindi na sapat o tama ang luhang naibibigay ng mata. Malaki ang papel na ginagampanan ng luha (tear film) para mapanatiling makinis at malinaw ang ibabaw na parte (surface) ng mga mata.


Bukod sa pananakit, pagkairita at pagluluha ng mata, kabilang sa maaaring sintomas ng dry eye ang pagkalabo ng mata (blurred vision) lalo na habang nagbabasa, pagmumuta at pangangati ng mata, pati na ang hirap sa pagsusuot ng contact lenses.

Sanhi:

  • Hangin at humidity

  • Medical conditions

  • Hormonal imbalance

  • Prolonged focused near vision activities, tulad ng pagbababad sa TV, computer at gadget


Lunas:

  • Sikaping naipapahinga ang mga mata. Nababawasan ng matagal na paggamit ng gadget ang natural na pagkurap (blinking) ng mga mata.

  • Iwasang itapat ang mukha sa electric fan o air con. Para hindi malantad ang mga mata sa “direct evaporative elements” ng electric fan at air conditioner, ipuwesto ang work area sa lugar na hindi direktang tinatamaan ng hangin

  • Tandaan ang 20-20-20 rule. Huminto sa paggamit ng gadget kada 20 minutes sa loob ng 20 seconds at tumingin sa malayo na may 20 feet na distansiya.

  • Magsuot ng UVB protective eyewear. Kapag lalabas ng bahay lalo na kung tirik ang araw, huwag kalimutang magsuot ng salamin na may proteksiyon laban sa ultraviolet (UV) rays. Ngunit hindi kinakailangan ang blue light filter glasses.


Importanteng pahalagahan at ingatan ang mga mata. Lubos itong magagawa lalo na’t kung ang kailangan lang ay gamot sa nagluluhang mata dahil sa dry eye.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page