top of page
Search
BULGAR

Sangkot sa kaliwa't kanang issues… KYLINE, NEXT ANDREA SA PAGIGING KONTROBERSIYAL

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 16, 2024



Photo: Kyline Alcantara at Andrea Brillantes / IG


Si Kyline Alcantara ngayon ang sinasabing ‘next’ Andrea Brillantes.

Sa dami raw kasi ng mga kuwentong kontrobersiyal at iskandalo na nasangkot ito, tila natulad na ito kay Andrea na tinawag din noong ‘bad girl’.


And take note, ha, ‘yung mga artistang nai-involve sa mga kuwentong-intriga sa kanya ay hindi basta-basta.  


Let’s mention Carmina Villarroel nang dahil sa kambal niyang sina Cassy at Mavy. Then, sina Sarah Lahbati at Bea Alonzo, si ‘Nay Lolit Solis at ang napapabalitang BF niya ngayong si Kobe Paras.


Nagkabati na uli sina Kyline at Sarah. Ipinagtanggol ni Kobe ang GF kay ‘Nay Lolit at pinagsabihan itong huwag bastusin si Kyline.


Maingat namang sinagot ni Carmina na willing siyang makatrabaho ang ex-GF ng anak basta raw maganda ang project.


Although, may iba pang kuwento sangkot ang ibang celebrities/personalities from sports to fashion, isa-isa naman itong naayos, at lumabas ngang matatag si Kyline.


Kaya naman biglang naging matunog at mainit ang name ng young actress, lalo’t sa huli ay nakikita ng mga tao ang kanyang pagiging totoo at marespetong tao.


Dumami ang kanyang mga fans at supporters dahil hinahangaan nila ang tapang at tatag nito sa pagharap sa mga intriga.


At mukhang natagpuan na rin nito kay Kobe ang hinahanap niya sa isang lalaki. 

In fact, marami ang naiinggit sa kanya ngayon.


‘Yun nga lang, unlike Andrea na nagbibida sa mga top rating shows at na-approve na ang galing, Kyline has yet to prove and establish her mettle as an effective young actress.


Bongga kasing matawag na kontrobersiyal at sikat kung naaayudahan ito ng mga projects na pang-artista talaga ang level.

That’s the challenge!


 

DAHIL hindi na namin masyadong natututukan ang Batang Quiapo (BQ), waley kaming alam na pinalayas na pala ni Rigor si Lena sa kuwento. Hahaha!


Role ni John Estrada si ‘Rigor’ habang si Mercedes Cabral si Lena, na nabuntis ng una. Kapwa sila pulis sa kuwento.


Si Marites (Cherry Pie Picache) ang wife ni Rigor sa istorya pero matagal din silang pinagpiyestahan dahil nagsama-sama nga sila sa iisang bahay at naging karambola ang mga sumunod na eksena.


May mga kaibigan kaming pulis na noon pa nagbigay ng reaksiyon nila sa iskandalosong subplot ng BQ.


Ngayon masaya na siguro sila dahil finally, nakapag-isip na at nakagawa ng tamang desisyon si Rigor.


Masubaybayan nga uli ang Batang Quiapo. Hahaha!


 

Jackie, nabuntis daw ng mister…

HIWALAYANG VICE AT ION, KUMALAT


Vice Ganda at Ion Perez - IG

HINDI naman siguro sumasakay lang si Meme Vice Ganda sa init ng intriga nowadays sa It’s Showtime (IS).

As the show celebrates its 15th year via Magpasikat Ka week, sumambulat din ang mga intriga sa show.


Nandiyang may isyu na nabuntis ni Ion Perez si Jackie Gonzaga, na kesyo naghiwalay na sina Vice at Ion, ang napapadalas na absence ni Meme, ang hindi na ganu’n kalakas na hatak ni Anne Curtis, ang biglaang pagkawala ng mga kids, hanggang sa umano’y December na lang na kontrata with GMA-7, etc. na tumayming lahat sa ika-15 taong selebrasyon ng show.


At dahil si Meme Vice nga ang nagsisilbing matapang at very vocal spokesperson ng grupo, siya itong nag-deny sa mga isyu at nagsabi pang naniniwala siyang may demolition job na ginagawa ang iba laban sa IS.


Kung parte man daw ito ng kanilang promo o pag-iingay para mapag-usapan uli dahil nakakaumay na raw ang tila trying hard na news slant ng kanilang Kalokalike portion, eh, di wow, ayon sa mga netizens na obvious na anti-It’s Showtime.

Well…


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page