ni Mylene Alfonso | March 22, 2023
Namimiligrong makulong at mawalan ng lisensya ang Certified Public Accountant (CPA) na sangkot sa P25.5 bilyong “Ghost Receipts”.
Ito ang tiniyak ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., matapos na pamunuan ang pagsasampa ng reklamong administratibo laban sa accountant na hindi muna pinangalanan sa Professional Regulation Commission (PRC) at kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) dahil sa paglabag sa CPA Code of Ethics.
“We have a list of all the buyers and sellers of these ghost receipts, including the accountants that allowed the buyers and sellers to profit from these ghost receipts by evading taxes. Businesses and taxpayers who use these ghost receipts in their returns will not only be audited by the BIR, they will also be arrested and spend 6-10 years in prison,” ayon kay Lumagui.
Ang naturang accountant ay ikinukonsidera na “conspirator” sa Ghost Receipts scam kung saan ineksamin nito at ini-audit ang book of accounts ng mga kumpanya.
Una nang nagsampa ng kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997, as amended (Tax Code) noong Marso 16, 2023 laban sa apat na korporasyon sa
Department of Justice (DOJ) dahilan para mawalan ng may P25.5 bilyon buwis, ang gobyerno.
Kinilala silang mga “ghost corporation” dahil wala silang lehitimong business activity at inestablisa lamang sila para makapagbenta ng mga pekeng sales invoice sa kanilang mga buyers na ginagamit para mabawasan ang bayarin nilang buwis.
Comments