top of page
Search

Sangkot sa droga sa balikbayan boxes, lagot

BULGAR

ni Ryan Sison @Boses | Feb. 11, 2025



Boses by Ryan Sison


Hindi na bago sa atin ang mga report hinggil sa pagpupuslit ng ilegal na droga mula sa ibang bansa, ang mabigat lamang dito ay ang mabatid na inilalagay ang mga ito sa mga balikbayan boxes.


Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio, may ilang insidente na silang naitala na nagagamit ang mga balikbayan boxes sa pag-smuggle ng illegal drugs. Isang halimbawa na rito aniya, ang nasamsam ng mga otoridad na P39.6 milyong halaga ng kush o pinatuyong dahon ng marijuana na nakatago sa dalawang balikbayan boxes na mula sa Vancouver, Canada.


Giit ni Rubio, may kaparaanan ang BOC para matukoy ang puslit na droga sa mga balikbayan boxes sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay matitiyak na nilang mananagot ang mga sangkot sa ganitong insidente.


Sinabi pa ng opisyal na maaaring maharap sa kasong Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nagpapadala o tumatanggap ng mga puslit na mga droga.


Ang mga balikbayan boxes na naglalaman ng mga bagay na ipinadadala ng ating mga kababayang OFWs ay napakahalaga dahil ito ay sumisimbolo ng kanilang pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya.


Dito nakalagay ang kanilang mga pinaghirapan at pinagtrabahuhan sa legal na paraan.

Sadya lang kung minsan ay nagagamit ang mga kahong ito sa masamang gawain gaya ng pag-i-smuggle ng ilegal na droga.


Kaya naman mainam ang gagawin ng kinauukulan na papanagutin at patawan ng kaukulang parusa ang sinuman na nagtatangkang magpuslit ng mga droga sa balikbayan boxes. 


Gayundin, sana ay makaisip ng mas mainam na paraan upang maresolbahan ang matagal nang problema ng ating bansa ang talamak na droga.


 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page