top of page
Search
BULGAR

San Pablo-Lucena route ng PNR, balik-operasyon sa Mayo

ni Lolet Abania | February 15, 2022



Pinag-iisipan na ng Philippine National Railways (PNR) na muling buksan ang kanilang San Pablo, Laguna hanggang Lucena, Quezon route sa Mayo matapos ang halos walong taong tigil-operasyon nito.


Nagsagawa naman si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ng inspeksyon sa ruta ng San Pablo-Lucena ng PNR.


Ayon kay Tugade, ang pagbubukas uli ng nasabing ruta ay hindi lamang maili-link ang PNR sa Bicol network, ito rin aniya, “unlock economic potentials and enhance mobility in Southern Luzon.”


Binanggit din ni Tugade na bukod sa ginagamit ito bilang passenger commuter service, ang PNR Lucena-San Pablo route ay maaari ring i-convert sa isang commercial o cargo freight service.


Sinabi naman ni PNR assistant general manager at spokesperson Ces Lauta, nang tanungin ito kung kailan bubuksan muli ang ruta, “Not later than May 2022.”


Halos isang dekada na hindi operational ang PNR San Pablo-Lucena route na may 44-kilometer inter-provincial commuter railway, kung saan bahagi ito ng commuter train service na patungong Bicol na may mga stations at flag stops para sa araw-araw na commuters o may maikling biyahe lang.


Matatandaang tumigil ang operasyon ng ruta noong Oktbre 2013 matapos na mag-collapse ng isang abutment.


Gayunman, ayon sa DOTr, kapag nagpatuloy na ang operasyon nito, magkakaroon ang commuter line ng dalawang terminal stations at apat na flag stops sa pagitan, at ang travel time o tagal ng biyahe ay 1 oras at 32 minuto lamang mula Lucena hanggang San Pablo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page