ni MC @Sports | November 18, 2023
Laro Ngayon:(Rizal Memorial Coliseum, Manila)
8 a.m. – ARU vs RTU (women’s)
10 a.m. – Phil Airforce vs TAC (women’s)
12 p.m. – VLD vs CIG (men’s)
2 p.m. – UEA vs SUG (men’s)
4 p.m. – ARU vs VNS (men’s)
6 p.m. – ILO vs UST (men's)
Ginapi ng San Beda University at Philippine Air Force (PAF) ang kani-kanilang mga karibal sa women’s competitions ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Challenge Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Umiskor ang undefeated Lady Red Lions ng ikalawang straight victory matapos na tigpasin ang Lyceum of the Philippines University-Batangas, 25-17, 25-13, 25-18, sa loob lamang ng 1 oras at 27 minuto para makapatas ang UP sa ibabaw ng Pool D.
Sa women’s pool B, tinalo ng PAF ang Jose Rizal University (JRU), 25-21, 25-21, 25-17, upang manatiling walang talo sa dalawang laro ng weeklong tournament na suportado ng Philippine Sports Commission ni Richard Bachmann, PLDT, at Rebisco.
Samantala, tinalo ng San Beda ang DLSU-Dasmariñas, 25-19, 25-17, 25-16, habang nanaig ang Air Force sa Davao City, 25-23, 25-15, 24-26, 25-11 para sa kanilang unang panalo sa opening games.
Ang kompetisyon ay inorganisa ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara at nasaksihan ang panalo ng Davao City sa Tacloban City, 25-13, 25-18, 33-31, sa women’s pool B. Pinal na nakuha ng Davao City ang unang panalo matapos ang tatlong laro habang wala pa ring panalo ang Tacloban sa 2 games.
Sa men’s side, tinalo ng NU ang VNS Asereht, 25-23, 22-25, 25-21, 27-29, 15-6 upang umibayo ang wala pang bahid na record sa 2-0 sa Pool B play.
Samantala sa laban noong Huwebes, hindi pinaporma ng mga pambato ng NCAA ang College of St. Benilde at Letran ang kani-kanilang mga karibal.
Comments