ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 19, 2020
Ang Sambong.
Hindi lahat ng sinasabing halamang gamot ay kinikilala ng Department of Health (DOH), kumbaga, iilan lang ang tunay na kumikilala sa mga ito. Halimbawa nito ang Sambong, na iniindorso ng DOH dahil marami itong health benefits.
Ang isa sa sakit na nalulunasan ng Sambong ay ang sakit sa kidney tulad ng bato sa bato o kidney stone. Ang kidney stone ay ang calcium oxalate crystals na kayang-kayang paliitin ng Sambong, as in, liliit ang bato sa kidney dahil sa pag-inom ng Sambong.
At kapag laging umiinom ng Sambong, hindi lang liliit ang bato sa kidney dahil ito ay malulusaw, as in, mawawala na ang bato.
Ang maganda sa pag-inom ng Sambong, ang bato sa kidney ay hindi na magiging agresibo, kumbaga, siya ay hindi na magiging dahilan ng pagkakaroon ng kumplikasyon.
Hindi lang ‘yan ang benepisyo ng pag-inom ng Sambong dahil hinahadlangan din nito ang pagbuo o pagkakaroon ng karagdagang bato sa kidney.
Narito ang iba pang benepisyo ng Sambong:
● Ito ay diuretic o pampaihi, ibig sabihin, dadalas ang pag-ihi at dahil dito, matatanggal ang mga toxin na naipon sa kidney. Lumalabas din sa pag-ihi ang mga bato sa kidney, as in, ang mga ito ay sumasama sa ihi.
● Napakaganda ng Sambong sa mga may manas o edema. Ito ay nangyayari kapag may naiiwang fluids o tubig sa isang bahagi ng katawan kaya magkakaroon ng pamamaga. Sa pag-inom ng Sambong, ang edema o manas ay mawawala.
● Ang isa pa sa nakamamangha sa Sambong ay kaya nitong pababain ang mataas na temperature sa katawan o ang mataas na lagnat.
● Isa ring mabisang expectorant ang Sambong. Ibig sabihin, kaya nitong tanggalin ang mga plema na naipon sa respiratory tracks. Ang kakayahang ito ng Sambong ang nagpasikat kanya, kaya ito rin ay kinilala bilang mabisang gamot sa mga may sakit sa respiratory system.
● Gamot din ang Sambong sa diarrhea at stomachache, skin problems, like worms o buni at boils, gayundin sa sore throat at rheumatism.
● Nalulunasan din ng Sambong ang matinding sipon at ubo.
Para gawing inumin, pakuluan ang anim hanggang pitong dahon ng Sambong sa isang litrong tubig at ang pinagpakuluan ang iinumin.
Gayunman, para sa mga may hika, ang talbos ng Sambong ay kakainin, puwede rin itong pakuluan at sisinghutin ng may hika. Gayundin, puwedeng gayahin ang proseso ng “suob.”
Good luck!
Comments