top of page
Search
BULGAR

Sambo World Cup, bawal ang fans sa December meet dahil sa COVID-19

ni Gerard Peter - @Sports | December 3, 2020




Mananatiling bakante para sa mga manonood at mga tagasubaybay ng larong Sambo ang gaganaping World Cup: A. Kharlampiev Memorial sa Disyembre 18-19 sa Luzhniki Sports Complex sa Moscow, Russia, bilang pag-iingat sa patuloy na paglaganap ng mapaminsalang novel coronavirus disease (Covid-19) pandemic.


Inaasahang aabot sa mahigit 300 sambo wrestlers at iba’t ibang representante ng national sports federations ang nagsimula ng magparehistro upang lumahok sa prestihiyosong event na dadaluhan ng 15 bansa sa buong mundo.


Ipinangalan ang naturang torneo sa isa sa mga founder ng sambo sa Soviet Union na si Anatoly Kharlampiev, isang Russian researcher ng iba’t ibang klase ng wrestling at martial arts. “In view of the difficult epidemiological situation in the country and in line with recommendations of [Russia’s sanitary watchdog] Rospotrebnadzor a decision was made to hold the tournament without spectators in attendance,” pahayag ng organizing committee sa inilabas na statement nito.


Ayon kay Pilipinas Sambo Federation (PSF) secretary-general Paolo Tancontian, pag-aaralan pa nila kung magpapadala sila ng mga atleta sa naturang kompetisyon, higit na si 5-time World bronze medalist at 2019 Asian Sambo champion Sydney Sy Tancontian, na kakapanalo pa lang ng tansong medalya sa Sambo World Championships senior’s division noong nakaraang buwan.


Kakulangan ng oras sa preparasyon at pondo ang tinukoy na dahilan ni Tancontian, na inaaasahang mabigat umano sa bulsa ang pamasahe patungong Russia. “Medyo mahal kase ang pamasahe papuntang Russia, isa pa pandemic ngayon at medyo wala masyadong preparation ang ating mga athletes, also less budget tayo ngayon. Wala pang budget ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa ganyang mga competition,” pahayag ni Tancontian sa panayam ng Bulgar sa online interview.


Sinabi ni Tancontian na paghahandaan na lamang nila ang darating na Asian Indoor Martial Arts Games (AIMAG) sa susunod na taon sa Bangkok at Chonburi sa Thailand. Pina-finalized pa nila ang listahan ng bagong line up sa national team.“We are still preparing our new lists of athletes. Medyo na-delay na kase because of pandemic, kaya di kami nagkakaroon ng selection, but we’ve got 8 new players, panay babae in preparation sa AIMAG,” saad ni Tancontian.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page