top of page
Search

Todo-plano, wala namang nangyayari… SAM, GUSTO NANG MAGKA-ASAWA’T ANAK SA EDAD NA 40

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 5, 2025



Photo: Sam Milby sa Fast Talk with Boy Abunda


At 40, inamin ni Sam Milby na nangangarap pa rin naman siyang magkaroon ng sariling pamilya.


Sa guesting ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), natanong siya ng host na si Boy Abunda kung ano pa ang pangarap niya.


“I still dream of having a family,” aniya.


“My dad, baka maging kagaya ng dad ko, he was 49 when I was born. That’s not my ideal age (to get married). Nu’ng dati sa mga interbyu ko, palagi kong sinasabi na gusto kong maging dad mga 35 (years old).


“But the sad truth is you can make so many plans in life, ideal age but life doesn’t always happen the way you want it to and that’s something always hard to accept and I accept that I’m 40 and I think mahirap tanggapin because mga ibang kaibigan ko, karamihan may asawa’t anak na.


“For me, my understanding is everyone has their own journey and you have to accept that and I’m also on my own journey and it’s not the plans and the way I was hoping it would go but I accept that I and understand that I’m on my own journey,” patuloy niya.


Inamin din niyang may pressure sa kanya na wala pa siyang anak.


“I feel the pressure honestly because of my last name Milby. It’s not a common last name, I’m the last person to carry on in my family. My dalawang half-brothers, never silang nagkaanak. My sister (Ada) obviously doesn’t carry the name, so, I feel kinda the pressure to carry on the

Milby name,” saad ng aktor.


Biro naman ni Kuya Boy, “Get married tomorrow!”


Tumawa si Sam at sey niya, “Yeah, that’s what people say, ‘Bilisan mo, bilisan mo!’”


 

FROM Japanese soldier to parish priest agad-agad si David Licauco.

Matapos ngang bihagin ng Kapuso actor ang mga viewers sa karakter niya bilang Hiroshi Tanaka sa Pulang Araw (PA), mapapanood naman siya bilang kura paroko sa upcoming film na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM).


Sa inilabas na teaser photo ng GMA Pictures, may caption ang photo ni David na: “Kung si David Licauco ang magdadala sa ‘yo sa tamang daan, sasama ka ba?”

Siyempre, ang mga netizens, hindi nagpahuli sa mga witty comments. 


Sey ng isa, “Father, I do,” habang kinikilig namang comment ng isang netizen, “‘Pag ganito kaguwapo ang pari, jusko! Araw-araw ako nasa simbahan.”


Kabilang sa cast ng movie sina Euwenn Mikaell, Joel Torre, Sanya Lopez, Jay Ortega, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Buboy Villar, Liezel Lopez at marami pang iba.


 

MULING magsasama sa harap ng camera ang magkaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Jon Lucas sa primetime series na Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB)


Dagdag si Jon sa mga tinik sa buhay ni Lolong. Gaganap siyang Lizardo, fighter na sasabak sa sabungan ng mga Atubaw. 


Matatandaang nagharap sina Ruru at Jon sa action series na Black Rider (BR) na pinagbidahan din ng una.


Samantala, magbabalik na rin sa eksena si Dona Banson, played by Jean Garcia. Sa kanyang paglaya mula sa kulungan, bitbit niya ang bago niyang katauhan bilang religious leader na “Banal na Ina.”


Balik-Tumahan din ang karakter ni Maui Taylor na si Dolores na handang gawin ang lahat para kay Dona.


Bawat gabi, puno ng aksiyon ang serye ni Ruru. Pero kahit busy sa Lolong, patungo ring Amerika si Ruru para naman sa free concert na Konsyerto para sa Filipino na handog sa Filipino community sa U.S.A.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page