top of page
Search
BULGAR

Saludar vs. Rojas, iniutos ng WBA ang bakbakan sa Hunyo

ni Gerard Peter - @Sports | March 7, 2021





Ipinag-utos ng World Boxing Association (WBA) Championships Committee ang pagsisimula ng negosasyon sa pagdepensa ni Vic “Vicious Saludar ng kanyang (regular) minimumweight title laban sa dating 105-pound titlist na si Byron “Gallito” Rojas ng Nicaragua sa Hunyo.


Nakasaad sa panuntunan ng WBA na ang kampeon ay nararapat na ipagtanggol ang titulo laban sa unang posibleng contender sa loob ng 120 days o apat na buwan mula sa araw na napanalunan nito ang titulo.


Sa kaso ni Saludar, napagwagian niya ang bakanteng titulo noong Pebrero 20 laban sa kapwa Filipino na si Robert “Inggo” Paradero via split decision sa pamamagitan ng 115-113 at 116-112, habang nabiyayaan ng 118-110 ang huli. Dahil dito, tinatantiyang ipagtatanggol ni Saludar ang titulo sa Hunyo 20, 2021.


Sinabi rin sa panuntunan ng WBA na hindi maaaring labanan ng kampeon ang isang boksingerong nais lang niyang makalaban. Tanging ang official challenger lang sa loob ng 60-days ang papayagan hanggang sa mag-expire ang mandatory defense period nito. “Rule C.12 of Championships states that the champion must defend the title against the first available contender within 120 days from the date he won the title. In Saludar’s case, he won the title on February 20, so his defense against Rojas should take place by June 20, 2021,” ayon sa statement ng WBA.


Alinsunod sa patakaran, binibigyan lang ng kumite ang pagsisimula ng 30-day negotiation ng simula Marso 3, 2021 hanggang Abril 2 ang parehong partido. Sakaling mabigo ang parehong kampo na magkasundo, o alinman man sa partido ang hindi nais makipag-ayos, dito na makikialan ang kumite para magpatawag ng purse bid.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page