top of page
Search
BULGAR

Salano at Camacho champ uli sa Trilogy Run

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 3, 2024



Sports Photo
Sina Maricar Camacho at Richard Salano, ang mga nagkampeon ng Half-Marathon sa 2024 HOKA Trilogy Run Asia Leg 2 kahapon sa Mall of Asia. (A. Servinio)

Umulit bilang kampeon si pambansang atleta Richard Salano habang balik sa panalo si beterana Maricar Camacho sa ikalawang yugto ng 2024 Hoka Trilogy Run Asia Manila Leg Linggo ng umaga sa Mall of Asia. Pinaspasan ng dalawa ang 21.1 kilometrong daan at sundan ang kanilang mahusay na ipinakita sa unang yugto ng serye noong Abril 7 sa parehong lugar. 


Mahigpit na nagbantayan sina Salano, James Kevin Cruz at Eduard Flores hanggang nakababa sila ng Buendia Flyover papuntang Cultural Center.  Doon ay nagpasya na humataw ni Salano sa nalalabing 5 kilometro at unang nagtapos sa oras na 1:13:53 habang pangalawa si Cruz (1:14:05) at pangatlo si Flores (1:14:28). 


Iba ang naranasan ni Camacho na pumangatlo lang sa Leg One at hawak niya ang liderato mula simula hanggang katapusan sa oras na 1:32:57.  Malayo na ang mga humahabol na sina Jennelyn Isibido (1:35:18) at Maria Joanna Abutas (1:37:18). 


Si Southeast Asian Games Triathlon gold medalist Kim Mangrobang ang nag-reyna sa 10 km  sa oras na 40:44 at sinamahan sa entablado nina Mea Gey Ninura (42:27) at Jessa Mae Roda (42:48) na nagkampeon sa 16 kilometro sa Baguio Leg One noong Mayo 5.  Nanaig sa mga kalalakihan sina kampeon ng Manila Leg One James Darell Orduna (32:51), Edgar Lee Jr. (34:23) at Jaspher Delfino (37:40). 


Isa pang pambansang atleta sa Obstacle Course Seannah Swift ang panalo sa 5km sa 21:27 habang pangalawa at pangatlo sina Joneza Mie Sustituedo (23:45) at Jyzel Gabriel (30:03).  Kampeon sa mga lalake si Mark Angelo Riagtan (17:31) na dinaig sina Karl Oxales (18:14) at Evelou Abutas (18:28).


Ang iba pang Leg 2 ay nakatakda sa Cebu (Hunyo 9), Baguio (Hulyo 7), Bacolod (Hulyo 28) at Cagayan de Oro (Setyembre 15).  Magbubukas pa lang ang serye sa Davao ngayong Hunyo 16 at ang Leg Two nila ay sa Agosto 25.    

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page