ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 16, 2024
Mula June 14 hanggang 16 ay idinaraos ang SALAAM: The Halal Tourism and Trade Expo Philippines sa Quezon City.
Ang event na ito ay inorganisa at inilunsad ng Department of Tourism upang itanghal ang Halal tourism offerings ng bansa para sa mga kapatid nating Muslim sa loob at labas ng bansa na nais makilala ang Pilipinas.
Inaasahan daw ng DOT na 10,000 katao ang dadalo sa SALAAM exhibition, lalo na ang mga foreign tourists, Halal business owners, at iba pa.
Itinampok din sa kauna-unahang exhibit na ganitong klase ang iba’t ibang Halal-certified restaurants, mga accredited tourism enterprises, at maging mga diskusyon sa mga lider ng industriya kung paano mapapabuti ang pagtugon ng bansa sa mga Muslim tourists.
☻☻☻
Nasa 12 milyon ang mga kababayan nating Muslim, ngunit hindi nito nasasaklaw ang malalim na ugat at malawak na impluwensya ng Islam sa bansa lalo na sa Mindanao.
Kaya’t sinusuportahan natin ang paglunsad ng expo na ito na hindi lang nakatuon sa pagsusumikap na maging Muslim-friendly destination ang Pilipinas, kundi kumikilala rin sa kontribusyon ng ating mga kapatid na Muslim sa ating bansa.
Umaasa tayong magtatagumpay ang DOT sa mga layuning inilatag nito para sa nasabing expo.
Nawa’y mas dumami rin ang ganitong mga event nang mas makilala ng ating mga kababayan ang iba’t ibang kultura sa ating bansa, at lalong lumalim ang ating pagkakapatiran.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Commenti