top of page
Search
  • BULGAR

SAKIT NI SHARON, MAS MALALA PA RAW NU'NG NA-COVID

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 13, 2024



Showbiz News

Humingi ng dasal si Sharon Cuneta mula sa kanyang mga fans and followers dahil sa kanyang sakit.


Sa latest Instagram post ni Megastar, sinabi niyang sobra raw siyang napagod sa kanyang commercial shoot at nalamigan din siya kaya nagkaroon siya ng malalang ubo at sipon.


“Earlier today I posted gifts & letters from my Sharonian Kids. Now I will mention that their timing was perfect - kasi I am sick! I shot a commercial last Saturday, and sobra akong napagod at nalamigan that when I got home late that night I felt something was coming na.


“True enough, ang lakas ng ubo at sipon ko now and this feeling is what I hate the most!” pahayag ni Shawie.


Inireklamo rin ni Mega ang hirap na nararanasan ngayon dahil sa kanyang sakit na aniya ay mas mahirap pa raw kesa noong nagka-COVID siya.


“‘Di makahinga sa sipon, ‘di makatulog dahil sa ubo! Kinontrahan ng mga gamot ang trangkaso. Haaay ayoko magka-COVID ulit pero mas mahirap pa ito kesa nu’ng may COVID ako!!!” aniya.


“Please pray for me? I cannot stand congestion and ubo! Thanks so much. Love you all,” pagtatapos ni Sharon.


 

Nag-guest sina Billy Crawford at Sarah Geronimo last Tuesday sa It’s Showtime para sa promo ng kanilang music collaboration.


In fairness, mukha namang healthy si Billy na matatandaang pinag-isipan ng mga netizens na may sakit last month dahil sa kanyang super-payat na hitsura sa isang larawan.


Super-husay pa nga rin niyang sumayaw, very energetic at walang-wala naman sa hitsura na may sakit. 


Siyempre, tinapatan din naman ni Sarah ang bonggang dance moves ng kanyang ka-duet.


Ayon kay Billy, matagal na nilang gusto ni Sarah na magkatrabaho at dito nga nangyari 'yun sa My Mind song na produced ng aktor-singer kasama si Jin Chan.


Sey naman ni Sarah, isang karangalan para sa kanya na makatrabaho si Billy at every time nga raw na nakikita niya ito ay nai-starstruck siya sa mister ni Coleen Garcia.


“Si Billy ay gem ng Philippine music industry. It's always a joy and a privilege na mapanood ang ganitong kagaling na artist. We love you so much, Billy as a performer and as a person, at maraming salamat."


Sabi naman ni Billy, “Just to work with someone like Ms. Sarah G., it's such an honor, it’s such a pleasure. Lahat ito ay orchestrated by God.”


Anyway, siguro naman ngayon ay wala nang mang-iintriga na mukhang may sakit si Billy or mukhang nagdodroga.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page