ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 18, 2024
Malungkot si Coleen Garcia na hindi niya kapiling ang asawang si Billy Crawford sa kaarawan nito noong May 16.
Kasalukuyan kasing nasa US si Billy para sa show with Kris Lawrence and Jay-R.
Ayon sa aktres sa kanyang birthday message for Billy sa Instagram Story, ini-reschedule raw nila ang selebrasyon sa kaarawan ng mister sa pagbalik nito sa Pilipinas.
“Since it's now past midnight in LA... Happy birthday, daddy @billycrawford. Even though we've rescheduled your b-day to when you get back huhu, we can't wait to see you and celebrate with you!” mensahe ni Coleen kay Billy sa Instagram Story.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang aktres sa mister sa pagsisikap nitong maging best husband and daddy.
“Thank you for trying so hard every day to be the best hubby & daddy you can be for us! We love you so so much and we're so blessed to have you,” ani Coleen.
Ini-repost naman ni Billy ang birthday greetings ng misis and wrote, “Thanks my love.”
Comments