ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Nov. 8, 2024
Mga kumare kong komadrona, kayo ang OG na bayani sa malalayong barangay — unang rumeresponde para masiguro ang kaligtasan ng mga mudrakels at kanilang junakis. Walang kaarte-arte, rain or shine!
Kaya naman, oras na para itaas ang inyong suweldo at benepisyo — talagang dasurv dahil buhay ang hatid niyo, hindi lang serbisyo! May panukala akong isinampa sa Senado, Senate Bill No. 1724, para siguradong ma-level up ang sahod at well-being ng lahat ng mga komadrona.
Sino bang hindi mabubuang sa ratio na isang midwife para sa 80,000 katao?
Burnout to the max, tapos ghosted pa ang mga hinaing niyo! Kakatapos lang ng Midwifery Week noong Oktubre, at say niyo, ang tatay kong si yumaong Presidente Ferdinand E. Marcos pa ang nagdeklara ng selebrasyong ito — huwag niyo sanang ma-forget. Panahon na para ipanganak ang bagong batas — para mas dumami ang gustong maging komadrona. Dasurv na dasurv mabigyan ng tamang kompensasyon at pagpapahalaga ang mga superwoman na itech!
Grabe, hindi lang sila nagdadala ng buhay, kundi sila rin ang tila one-woman show sa mga RHU mula Luzon hanggang Mindanao! Kaloka, ‘di ba?
Push na natin ‘to, mga mare! Keri?
Comments