top of page
Search
BULGAR

Safety tips ngayong tag-ulan

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 10, 2020




Ang pinakamainam na paraan para makaligtas sa bagyo ay maghandang mabuti bago pa man lumabas ang typhoon warning. Matapos ang babala, ilang mga dapat gawin ay kumpletuhin bago planuhin ang paglikas sa mga evacuation center.


BAGO DUMATING ANG BAGYO.

  1. Bitbitin na ang mga mahahalagang bagay at maglaan ng isang malaking bag na paglalagyan ng mga gamit na itatakbo para sa emergency.

  2. Tapalan ng tabla ang mga salaming bintana para hindi ito mabasag sakaling maraming lumilipad na bagay sa labas ng bahay. Kung hindi matatablahan ay puwedeng lumang kutson para hindi ito mabasag sakaling may tumamang mabibigat na bagay.

  3. Tsekin ang anumang maluluwag na bahagi ng bahay na maaaring tungkabin ng hangin at makatama kahit kanino. Ipasok sa loob ng bahay ang basurahan, mga laruan at iba pang tools.

  4. I-off mula sa kuryente ang iba pang appliances maliban sa refrigerator. Ilipat ang mga mamahaling bagay sa gitna ng bahay at ilayo sa mga bintana at pintuan na maaaring anggihan ng tubig ulan.

  5. I-set sa pinakamababang setting ang refrigerator at freezer para malamig pa ang ref sakaling mamatay ang kuryente.

  6. Buksan ang de bateryang radyo o transistor para makapakinig ng anumang balita sa lagay ng panahon.


KAPAG NARIYAN NA ANG BAGYO.

  1. Dapat kampante lamang. Makinig ng musika sa pagitan ng mga balita sa lagay ng panahon at maglaro ng card games.

  2. Manatili sa loob ng bahay. Ang pinakamatinding panganib ay hindi ang hangin at ulan, kundi mga lumilipad na delikadong bagay tulad ng signage, yero, mga sanga ng puno na ang malalaki ay naglalaglagan, mga malalaking plastic at iba pang bagay o debris mula sa matataas na gusali o bahay. Huwag lalabas ng bahay kahit na kampante na ang panahon. Kung ang mata ng bagyo ay nasa inyong lugar, higit lamang na ang hangin at ulan ay lulubha. Maghintay sa opisyal na anunsiyo kung ligtas nang lumabas ng bahay.

  3. Maupo na malayo sa bintana sakaling mabasag ito ay hindi ka tamaan.

  4. Pumunta sa ibang direksiyon kung saan naroon ang hampas ng hangin at huwag nang salubungin ito. Mahirap na tamaan pa ng mabibigat na bagay na nagliliparan.


MATAPOS ANG BAGYO.

  1. Tingnan kung kailangan ng iyong mga kapitbahay ng tulong. Tingnan din ang kapaligiran kung marami ring nasira. Kunan ng larawan ang mga nasirang lugar para malaman kung anuman ang susunod na kukumpunihin.

  2. Huwag gagamitin ang telepono maliban lang kung para sa emergencies. Mabilis na tumawag sa kinauukulan para mabigyan sila ng babala kung nasa ligtas na kalagayan.

  3. Magtulungan ang lahat na makapag-ipon ng pagkain. Kung sino ang makapagbibitbit ng pagkain ay dapat nang ibalot at ayusin.

  4. Pansinin ang mga napatid na linya ng kuryente, mga kontaminadong tubig at mga peligrosong hayop tulad ng mga ahas o buwaya na baka lumutang sa mga ilog.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page