ni Jasmin Joy Evangelista | November 21, 2021
Patuloy pa rin ang ebalwasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga establisimyentong nag-a-apply para sa safety seal.
Hindi umano tumigil ang DTI sa pagsusuri sa mga establisimyento para makapagbigay ng seal sa mga compliant sa health standard.
Kabilang sa mga kuwalipikasyon ay ang pagiging bakunado ng mga empleyado, pagkakaroon ng screening area sa COVID symptoms at contact tracing forms o QR code database.
Paliwanag ni Trade Sec. Ramon Lopez, kabilang ang dami ng mga may safety seal sa basehan para ibaba ang alert level status sa isang lugar.
Makakatulong din ang pagkakaroon ng safety seal para mapayagan pa ang dagdag na 10% occupancy.
Nakakatulong din ito para magkaroon ng tiwala ang mas maraming customers sa isang restaurant, salon at iba pang puwesto na nagbibigay ng serbisyo.
Comments