top of page
Search

SACHZNA, GINAGAMIT DAW SI JEROME PARA SA VLOG

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 10, 2023




Break na umano si Jerome Ponce at ang girlfriend nitong vlogger na si Sachzna Laparan.


Hindi na rin sila naka-follow sa isa't isa sa Instagram.


Matatandaang hindi naging maganda ang unang pagkikita ng dalawa noon.


Taong 2021 nang ibinahagi ng vlogger ang love story nila ng aktor sa social media. Doon na nag-start na mag-post ng mga sweet photos nilang dalawa ni Jerome si Sachzna.


Kamakailan lang ay napansin ng mga netizens na naka-unfollow na raw sa isa't isa ang nasabing couple.


Sa recent vlog ni Sachzna, she talked about the struggles that she is facing right now at ang espekulasyon ng kanyang mga followers ay may problema na raw ang relasyon ng dalawa.


May mga kampi sa side ng vlogger, habang may mga nagsasabi namang ginagamit lang umano ni Sachzna ang kanyang heartbreak kay Jerome para makakuha ng simpatya sa vlog nito in order to earn money.


May mga nagsasabi ring kaya ayaw daw nila si Jerome para kay Sachzna ay dahil suplado umano ang aktor.


Sa ngayon ay parehong hindi pa nagsasalita sina Jerome at Sachzna hinggil sa kanilang breakup issue.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page