top of page
Search

Sabay na raw para iwas-bash… JUDAY, GUSTONG MAKATRABAHO SINA KATHRYN AT NADINE

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 26, 2023



Ang laki ng ipinayat ni Judy Ann Santos nang humarap sa press people kahapon sa launching niya bilang newest endorser ng Alaska Milk Corporation na ginanap sa Blue Leaf Pavilion sa BGC, Taguig.


May bagong TVC ng Alaska milk si Juday kasama ang bunsong anak na si Luna, kaya naman natanong ang aktres kung papayagan na ba nila ng mister na si Ryan Agoncillo na mag-showbiz ang bagets.


Ani Juday, 'pag may offer na tulad nito kay Luna, tinatanong nila ang bata kung gustong gawin dahil ayaw nilang pinipilit ang mga anak. At nag-enjoy naman daw si Luna kaya sabi ng mga press friends ni Juday, mukhang ito na nga ang susunod sa yapak nila ni Ryan sa showbiz.


Samantala, dahil ang sexy nga ngayon ni Juday, kinantiyawan namin siya na 'di ba siya kinakabahan na magkaroon na ng kasunod si Luna?


Oh, 'di ba ang kanyang 'Ate Megastar' na si Sharon Cuneta, tuwing pumapayat, eh, nagkaka-baby kay Sen. Kiko Pangilinan? Hahaha!


Ani Juday, kuntento na sila ni Ryan kina Yohan, Lucho at Luna, pero kung may darating pang isa, why not since a baby is always a blessing.


Pero sa ngayon, habang may mga movie, TV projects at endorsements na dumarating kay Juday, siyempre ay gina-grab niya ito dahil sa hirap nga naman ng buhay ngayon, blessing kapag may bagong offers.


Dahil enjoy na enjoy si Juday sa pakikipagtsikahan sa mga press na na-miss daw niyang gawin, natanong na rin namin siya kung sino sa mga young stars ngayon ang gusto niyang makatrabaho.


Pag-amin niya, "Madami, eh. Of course there's Kathryn (Bernardo). Of course, there's Nadine (Lustre). Siyempre, pagsasabayin ko sila dahil baka ma-bash naman ako. Alam mo naman mga tao ngayon," na ikinatawa ng press.


Bet din daw niya si Charlie Dizon na napanood niya minsan ang trailer ng movie.


Ani Juday, "Sabi ko, mahusay ang batang ito. Malayo ang mararating nito magabayan lang nang tama at mabigyan ng tamang projects."


Sa mga young actors naman, bet niya sina Joshua Garcia at Alden Richards at kung may malaking producer lang daw na susugal, gusto niyang magsama-sama na silang lima sa isang pelikula.


Uy, parang exciting 'yun, ha?!


Sa favorite love teams naman niya ngayon, aminado si Juday na hindi niya masyadong natututukan ang mga young love teams, pero kinilig daw siya kina Coco Martin at Bela Padilla sa Ang Probinsyano noon.


"'Yun 'yung alam mong 'di magka-love team na kinilig ako, so para sa akin, nag-work 'yung tandem nila," katwiran ni Juday.


Anyway, sa ginanap na mediacon-launch kahapon ng Alaska, nagpa-sample si Juday at ang mga guest chefs ng mga puwedeng lutuin gamit ang Alaska milk at kasama na nga d'yan ang squash soup na nilagyan ng Alaska milk and Alaska Crema na ipinatikim sa press at ang sarap, ha?!


So, sa mga gusto pang matuto ng iba't ibang recipes, puwede n'yo ring panoorin si Juday sa kanyang mga vlogs sa YouTube at doon, for sure ay may mga bago siyang ituturo using her new endorsement na Alaska products.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page