top of page
Search
BULGAR

Sabay irap at talikod daw ng anak ni Benjie… LOLIT, PINRANGKA NI KOBE NA ‘WAG BASTUSIN ANG GF NIYANG SI KYLINE

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 8, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Naloka ang veteran talent manager/entertainment columnist na si Lolit Solis sa sinabi at ginawa sa kanya ni Kobe Paras nang magkita sila kamakailan.


Kuwento ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram (IG) account, sinabihan daw siya ni Kobe na huwag bastusin ang girlfriend niyang si Kyline Alcantara. Pagkatapos daw sabihin ito ay inirapan siya at tinalikuran.


“Salve, ‘wag mo nang itanong kung ano sinabi ni Kobe Paras tungkol kay Kyline Alcantara. Naloka talaga ako nang sagutin n’ya ako ng ‘Please, walang bastusan. Kyline is my girlfriend’ sabay talikod at irap sa ‘kin,” tsika ng talent manager.


Natawa na lang daw siya dahil proud na proud si Kobe kay Kyline.


“Talagang laugh ako dahil para bang sobra sa pagmamalaki si Kobe na girlfriend niya si Kyline. Sobrang lucky ni Kyline dahil proud na proud si Kobe Paras sa kanya, talagang para bang precious trophy na dapat ipagmalaki sa lahat,” aniya.


Kung bakit siya tinarayan nang ganito ni Kobe, ani ‘Nay Lolit ay dahil sa nasabi niya na level ni Sharon Cuneta or Kris Aquino ang bagay sa basketbolista.


“Na-okray tuloy ako ni Kobe nang sabihin ko na mas bagay sa kanya kung level Sharon Cuneta o Kris Aquino. At talagang ‘di s’ya nag-goodbye sa ‘kin, snob ako totally. Hahaha! Laugh na lang kami ni Benjie Paras, kaya nalimutan ko tuloy itanong bakit sila nandu’n,” kuwento ni ‘Nay Lolit.


Pero pinuri rin naman niya ang bunsong anak nina Benjie Paras at Jackie Forster sa pagiging prangka nito. 


“Gusto ko ‘yung ugali ni Kobe na very transparent sa feeling n’ya. Ipinakikita n’ya kung ano ang nararamdaman n’ya. Hahaha! Hitsurang ma-snob niya mga tao na feeling n’ya hindi n’ya kakampi,” aniya.


Ang nakakaaliw, nagbago na ang pananaw ni ‘Nay Lolit dahil bagay na raw sina Kobe at Kyline.


“But not for anything, bagay sila Kobe Paras at Kyline Alcantara. Sana nga magtagal at mag-ending sa altar ang relasyon nila. Kahit hindi nila ako invite, Hahaha! ‘Kaloka talaga (laughing emoji),” pagtatapos ni ‘Nay Lolit Solis.

Hahaha!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page