top of page
Search
BULGAR

Sa wakas, nagsalita na, Mariel... ROBIN, 'DI IKINAHIHIYANG NA-BLIND ITEM NA NABUNTIS NIYA SI MOCHA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 14, 2021




Aminadong walang kinikita at panay ang labas niya ng personal niyang pera, pero hindi pa rin mapigilan ni Robin Padilla na mag-produce ng documentary films bilang adbokasiya niya para magkaroon ng awareness ang lahat sa mga nangyayari ngayon sa lipunan, tulad ng una niyang ipinrodyus na Memoirs of Teenage Rebel na ini-launch noong Disyembre, 2020 na tungkol sa buhay ng mga kabataang rebelde na sa kalaunan ay sumuko na rin sa gobyerno.


Ngayon naman ay ang Victor 88 na buhay ng mga mangingisda o mandaragat sa mga isla ng Pilipinas o tinatawag na Kalayaan Group of Islands sa Palawan.


Ang Victor 88, produced ng RCP Films International ay mapapanood na ngayon sa Facebook page ni Robin Padilla. Pero may pakikipag-usap daw sila sa PTV-4, gayundin sa ilang streaming app companies.


Ang first episode ay nakasalang na ngayon sa Facebook page at YouTube channel ng aktor.


Kuwento ni Binoe, “Bilang artista ay madalas po akong tinatawag sa isang karakter. Pero ang usaping Victor 88 ay hindi naman po kasi ito karakter kundi pinasok ko po talaga ang buhay ng isang mangingisda, at sa ilang araw/gabi ay nandoon po kami sa karagatan.”


Ang Victor 88 ay may 6 documentary series na tumatalakay sa buhay ng grupo ng mangingisda na binuo ng negosyanteng si Francisco Tiu Laurel, Jr. ng Frabelle Fishing Corporation para sa isang special expedition voyage sa kabila ng isyung binabawalan ng Tsina ang pangingisda sa nasabing isla.


Kaliwa’t kanan ang mga balita na tinatakot ang mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS). Para malaman ang totoong nangyayari sa WPS ay nag-immersion si Robin ng ilang araw at gabi sakay ng Victor 88 vessel kasama ang mga mangingisdang binuo ni Ginoong Laurel para malaman ang katotohanan.


Sa tanong kung ano ang gustong ma-achieve ni Robin at bakit siya sumama o nag-immerse para maranasan ang buhay-mangingisda, saad ng aktor, “Ang gusto ko pong ma-achieve natin ay mapalakas ang loob ng ating mga mangingisda sa WPS. Sa dami po ng mga balita, sensational news na lumabas ay nagkakaroon po ng panghihina ng loob ang ating mga mangingisda at napatunayan natin ‘yan at malalaman ang lahat kapag napanood ninyo ang Victor 88 docu-series.”


Dagdag pa niya, “Gusto po naming ipakita ang mga nagaganap sa WPS na hindi sensationalized. Hindi po ito usapin ng political. Ang isyu po riyan ay pagkain natin, isda natin, kayamanan natin. Ito ang gusto naming ma-achieve sa Victor 88. Pro-territory natin ito.”


Mapapanood din daw ang mga sakripisyo ng mga sundalong nagbabantay sa WPS para proteksiyunan ang teritoryo ng Pilipinas.


Sa tanong kung may harassment talagang nangyari sa pagitan ng mga mangingisdang Pinoy at Intsik, sagot ni Robin, “Sa experience namin doon sa WPS, nandoon talaga sila, mga foreign vessels at hindi lang China. Masyadong pinalalaki na ang China. Nandoon din ang Vietnamese at iba pang bansa na mapapanood ninyo sa pelikula namin. Siguro, hindi harassment kundi challenge at ilang beses ‘yun nangyari. At hindi kami nagpatalo lalo na si Kapitan na sinabing ‘Idiretso mo!'”


Tinanong naman namin ang aktor kung napanood na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pelikulang Victor 88 at kung ano ang naging reaksiyon nito.


“Ay, mahirap sagutin ‘yan!” sagot kaagad ni Binoe, dahil sa kasalukuyan, ang inuunang solusyunan ni P-Duterte ay ang COVID-19 para makabalik na sa normal ang lahat.


“Ito kasing usaping WPS, na-sensationalize lang. Usapin ito ng… sa Armed Forces ito, actually. Nasa opisina pa lang ito ng National Security, pero hindi pa ito sa level ng pangulo.


“Buhay pa naman kami. Kung siguro kami, nadale ru’n, well, dapat na sigurong bigyan ng atensiyon ng Presidente. Pero buhay na buhay naman kami rito at naging very close kami sa isa’t isa sa komunidad doon, sa mga mangingisda roon, sa ating Sandatahang Lakas sa mga isla.


“Itong bagay na ito, kaya itong iresolba. Magtulungan lang tayo, magkaroon ng isang boses. Masyado kasing naging politicize ang isyu na ito. Sana huwag, kasi kawawa ‘yung mga mangingisda, mga komunidad sa malayong isla na ‘yun. Spare this issue, kaya itong pag-usapan sa totoo lang,” buong kuwento ng aktor.


Samantala, muling nabuksan ang isyu nina Robin at Mocha Uson na nabuntis daw niya ang OWWA deputy administrator.


Enero 22, 2021, pumutok ang balita na kaagad namang itinanggi ni Mocha at nagsabing nahihiya nga raw siya kay Idol Robin niya at sa asawa nitong si Mariel Rodriguez-Padilla.


“Si Ma’am Mocha po, isa po ‘yan sa iginagalang natin na talagang number one DDS po ‘yan. Talagang saludo po tayo r’yan sa pagmamahal niyan kay Pangulong RRD.


“Kami pong dalawa, hindi naman po kami siguro gagawa ng bagay na magbibigay ng number one, kahihiyaan sa mahal na pangulo.


“At kung anuman po ‘yung tsismis na ‘yun, proud po kaming dalawa. At ano’ng tawag doon? Blind item? Opo, na-blind item kami. At least po roon, sinabi sa blind item na mga sikat. Kaya proud na rin po kami dahil napabilang kami roon sa sinasabing mga sikat na ganito. Kaya maraming salamat doon sa artikulo na ‘yun.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page