top of page
Search
BULGAR

Sa wakas, may nakalaan nang cash aid para sa mga magsasaka

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 23, 2020



Bahagya tayong nabunutan ng tinik dahil sa pag-apruba ng ating mga kapwa senador na bigyan ng direktang cash assistance ang ating mga rice farmers.


Aprubado na ng Senado ang joint resolution number 12 na magbibigay ng cash assistance sa mga nagsasaka ng isang ektarya o mas maliit pa.


Ang pondo ay kukunin sa sobra o excess sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF. Kahit paano ay may maaasahang tulong ang mga magsasakang matagal nang umaaray sa murang presyo ng palay.


Pero hindi pa tayo lubusang masaya, kasi namamayagpag pa rin ang mga rice importers lalo na iyung mga gumagawa ng hindi kanais-nais. Biruin ninyo, naisumbong sa atin na gumagamit ang mga ito ng permit ng mga kooperatiba, pagkatapos idinedeklarang mas mababa ang mga nabili sa orihinal na presyo. ‘Kaloka!


Ang matindi pa, nakakubra ang may 40 rice importers ng kabuuang P1.4 billion dahil sa undervalued shipment nila mula noong March hanggang June last year!


Hinahabol natin ang amount na ‘yan para ilaan na rin sa cash aid at ang balita, gumagawa raw ng paraan o legal remedies ang mga nasabing importers para makaiwas sa liability.


Well, IMEEsolusyon d’yan, ‘di natin sila palulusutin. Lalakarin natin na maimbestigahan ang kanilang mga kabulastugan at dapat rin silang maparusahan sa pagsasamantala lalo na sa ating gobyerno mismo!


Kung dati rati, tila kayo palos... palusot dito, palusot doon — this time, no more na. Bistado na kayo at humanda na rin kayo sa mga mata ng taumbayan!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page